Friday, August 29, 2008

2 Things I Really Missed


nitong mga nakaraang buwan sa tingin ko ay ang pinakabusy kong araw dito sa ANXA. mga medyo malaking projects na nagkakasunod-sunod, deadlines at kung anu-ano pa, nagmumukha ng routine ang weekdays ko. nakakalimutan ko na tuloy gawin ang mga bagay na dati kong ginagawa. hmmm..., let me rephrase that. wala na pala akong time para gawin ang mga bagay na dati kong ginagawa. nakalimutan ko na ngang magpagupit e, hehe! nakalimutan ko na rin yung lovelife ko, hehe! gala sa mall bago umuwi with my co-employee at DVD marathon na nga lang sa gabi ang pampa-iba ko ng mood. pero ok lang, at least I'm learning. marami akong nakilala. pero marami rin akong nami-missed.


one time nga, napa-isip ako, ang dami ko na palang na namimissed. namimiss ko yung mga college friends ko, yung drinking marathon namin ng mga tropa ko sa samatyo, moutainbiking at kung ano-ano pa. pero ang namimiss ko talaga ay ang mga sumusunod:

1. mountain climbing with CSL Packers
2. tugtugan ng mga kabanda ko nung college


Tuesday, August 5, 2008

Chapter II : Si Jabcy the Gingerbread Girl at ang Big Bad Wolf


Isang araw, habang pinagtritripan ni Big Bad Wolf ang Three Little Pigs, ay napalingon sya sa direksyon ng bakery ng Di-Kalayuang-Kaharian. Agad nyang napansin ang dambuhala ng si Jabcy. Sino ba naman ang di makakapansin sa napakalaki ng si Jabcy. Siya na nga ang pinakamataas na nilalang na makikita mo sa skyline ng Di-Kalayuang-Kaharian dahil mas malaki na sya sa palasyo ni Mayor Mayor. Sabi ni Big Bad Wolf, "Holy s**t! Ano yon?". Dala na rin ng curiousity at pagka-usisero, dali-dali syang tumakbo papunta ng bakery. "Hoy, Big Bad Wolf! Saan ka pupunta?" sabi ng Three Little Pigs in chorus. "Dito lang sa tabi-tabi!", sagot ni Big Bad Wolf. "Kailan mo ulit kami pagtritripan?", tanong ng Three Little Pigs in chorus. "Hmmm...! Di ko alam e, marami akong appointment. Basta ite-text ko na lang kayo, ok! Bye!", mabilis na tugon ni Big Bad Wolf sabay karipas ng takbo.

to be continued...

continuation (click here)