Thursday, May 29, 2008
chemically engineered pancit
almusal ko pancit canton
tanghalian ko pancit canton
miryenda ko pancit canton
hapunan ko pancit canton
pulutan namin pancit canton
nanaginip ako ng pancit canton
mukha na akong pancit canton
purgang-purga na’ko sa pancit canton
pero canton na canton na’ko
canton tayo sa JJS (Php 7.50/serving, available in three different flavors) --2003
"Dapat siguro bayaran ako ng Lucky Me sa pagpromote na'to, hehe!"
Monday, May 12, 2008
tambay (isang taong bakasyon: 1999 – 2000 AD)
tatambay
nakakainip
naghihintay sa wala
magyoyosi
magkakamot
iinom ng kape
mag-aabang ng dadaan
mag-gigitara
kakanta
minsan pa
aasa
minsan pa
kakanta habang
nag-gigitara
wala namang dumaan
an’ lamig na ng kape
nagkamot
wala ng yosi
hintay na naman sa wala
inip na talaga, ka-inip…
tambay uli bukas…
Wednesday, May 7, 2008
Sunday, May 4, 2008
pearl shake
kainitan ng panahon ang hudyat
upang ako’y dalhin ng aking mga paa
sa ating munting tagpuan
musika sa aking pandinig ang atungal ng blender
sa saliw ng kinakayas na yelo
at lagaslas ng malandi mong kaanyuan
pinagpipilian ko ang iba’t-ibang flavor
na lahat ay nagkakandarapang tikman
chocolate, ube, mocha, vanilla, leche flan,
mangga, guyabano, bubble gum, buco pandan
kinulayan mo pa ang ating
mundo sa mga kulurete mong mais, sago,
cookies, chocolate bits, pasas, gulaman
nananabik na halikan ang straw
nang malasap ko na ang hatid mong ligaya
na kikitil sa init kong nadarama
mapa-Zagu ka man o Orbitz o Gozilla kaya
patos na kahit ano, hindi manghihinayang
matikman ka lamang
pilit hinihigop ng mapaniil kong labi
ang tamis mong hatid ay kiliti
sa naghuhumiyaw kong puso
sinasaid, inuubos lahat, nilalasap
tanging ititira’y straw at plastic cup
upang ako’y dalhin ng aking mga paa
sa ating munting tagpuan
musika sa aking pandinig ang atungal ng blender
sa saliw ng kinakayas na yelo
at lagaslas ng malandi mong kaanyuan
pinagpipilian ko ang iba’t-ibang flavor
na lahat ay nagkakandarapang tikman
chocolate, ube, mocha, vanilla, leche flan,
mangga, guyabano, bubble gum, buco pandan
kinulayan mo pa ang ating
mundo sa mga kulurete mong mais, sago,
cookies, chocolate bits, pasas, gulaman
nananabik na halikan ang straw
nang malasap ko na ang hatid mong ligaya
na kikitil sa init kong nadarama
mapa-Zagu ka man o Orbitz o Gozilla kaya
patos na kahit ano, hindi manghihinayang
matikman ka lamang
pilit hinihigop ng mapaniil kong labi
ang tamis mong hatid ay kiliti
sa naghuhumiyaw kong puso
sinasaid, inuubos lahat, nilalasap
tanging ititira’y straw at plastic cup
Subscribe to:
Posts (Atom)