Monday, October 27, 2008

mga aral ng PAG-IBIG mula kay BOB ONG


PAG-IBIG

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"


Friday, October 24, 2008


love...


heartache...

tears...

realization...


Monday, October 20, 2008

Friday: Oct. 17, 2008


oy apol akala ko ba?..

"i can't fight this feeling any longer
and yet i'm still afraid to let it flow
i tell myself that i can't hold out forever
i said there is no reason for my fear",
e bakit wala ka pa ring ginagawa?

yun o, yun na...
"coz tonight,i'll leave my fears behind
coz tonight,i'll be right at your side
lie down right next to me
lie down right next to me
and I will never let go
never let go",
naks! hayup...!

lucky day mo ba to?
"i don't care if monday's black
tuesday, wednesday heart attack
thursday never looking back
it's friday i'm in love"

"dressed up to the eyes, it's a wonderful surprise
to see your shoes and your spirits rise
throwing out your frown and just smiling at the sound
and as sleek as a shriek spinning round and round
always take a big bite, it's such a gorgeous sight
to see you eat in the middle of the night
you can never get enough, enough of this stuff
it's friday i'm in love",
wow! taas ng morale!

makakadamoves ka rin,
hintay-hintay lang, hehe!
"breathe in for luck, breathe in so deep
this air is blessed, you share with me
this night is wild, so calm and dull
these hearts they race from self control
we're doing fine, we're doing nothing at
the words are hushed, lets not get busted
just lay entwined here
undiscovered
safe and near from all the stupid questions
hey did you get some?
man that is so dumb
stay quiet, stay near, stay close they can't hear
so we can get some"

"well my hopes are so high
that your kiss might
kill me
so won't you kill me
so i die happy
my heart is yours to fill or burst
to break or bury, or wear as jewelry
whichever you prefer",
talaga lang ha, ganyan ka na ba
kahanda?

nakakahilo ang umiikot na bote ng mineral water!

"and the time on the clock, when we realized it's so late
and this walk that we shared, together
and you gave me a hug like you meant it
and i knew, that you meant it
tahat you meant it, that you meant it
and i knew, that you meant it,
that you meant it
that you meant it..."

yun naman pala e,
ano pang hinihintay mo?
tawid na tayo...!
kaya natin yan!


Wednesday, October 15, 2008

kulit


di mo man ako pansin

o ayaw mo talaga akong pansinin
nandito lang ako
makulit
nangulit
nangungulit
mangungulit
wag ka lang sanang
makulitan
tototo naman kasi itong
pangungulit ko...


Tuesday, October 14, 2008

things i've learned after it was too late


sabi nga ng mga ka-osbing "practice makes perfect, but nobody's perfect so why practice". oo makulit, pero somehow, may sense. lahat tayo prone magkamali and we normally learn from it (iba na yon kapag di ka pa rin natututo), that's our nature. so here are the things that might save our dearly lives and could practically save your time and money or even save our asses on a sticky situation.

Note: base ito sa personal experience at mga bagay na naobserbahan sa mga kaibigan at kapwa pinoy. maaaring tama o yun lang ang naisip ko ng mga sandaling yon.

1. wag mag-aral magyosi, lalo na ang magdrugs, uminom na lang ng alak, pero mas prefer dapat beer.
2. wag makikipagtalo sa GF, lagi silang tama. basta. may ability kasi ang mga girls na gawing ikaw (boys) ang makaramdam ng guilt kahit sila ang mali.
3. wag magpiprito ng isda ng nakahubad, masakit pag natalsikan ng kumukulong mantika.
4. maniwala sa kutob pag may sumakay sa jeep na sa tingin mo ay holdaper, bumaba na agad.
5. kung hinoholdap ka na, ibigay na ang lahat-lahat, wag lang ang puri.
6. wag magdadala ng cellphone, wallet o salamin sa gitna ng moshpit pag makikipag-slamman.
7. magsuot ng tsinelas (kahit di havaianas) kapag nagrerepair ng pc, nangungurot kasi ang ground.
8. siguraduhing may sasalo sa'yo kung balak mag-stage dive.
9. gumamit ng mahiwagang lobo kung maghahapi-hapi. masakit, mahapdi, makirot, magastos kapag nahawahan ka. practice safe sex.
10. siguraduhing 220V (applicable pag nasa pinas) and powersupply ng pc, malakas pumutok.
11. wag masyadong itaas ang tono ng gitara, nakakabulag ang napuputol na string.
12. bumili ng original na cellphone charger.
13. wag makipag-sex pagkatapos kumain at busog, basta.
14. wag masyadong aasa, minsan kasi may mga bagay na akala mo yun na, hindi pa pala.
15. marami talagang namamatay sa maling akala, subok na yon.
16. when making out, pumikit lang, nakakaduling kasi kapag nakadilat ka habang nakikipag-lips to lips.
17. walang silbi ang payong kapag malakas ang hangin.
18. wag sasakay sa mrt kung rush hour.
19. mga station na dapat iwasan north, quezon ave., kamuning, cubao(hell), shaw, ayala(pag panorth), etc.
20. iwasang maglakad along aurora blvd., lalo na kung gabi.
21. wag maniwala sa horoscope, lalo na sa manghuhula.
22. siguraduhing regular ang menstruation cycle ng GF kung magka-calendar method.
23. iwasang sumindi ng yosi sa mapanirang lighter, sunog sigurado ang bigote o balbas mo.
24. sa mga girls, iwasan ang bestfriend na lalaki. sya ang dahilan kaya wala ka pa ring BF. gusto ka nya. o gusto mo rin sya?
25. wag landiin ang alagang pusa, nangangalmot.
26. siguraduhing may barya, pamasahe sa bus, may mga kupal kasing kundoktor na sinasadyang di magsukli at ibibigay daw mamaya pero kakalimutan nya kunwari. at pag ikaw ang nakalimot, sorry na lang.
27. sabi ni doraemon, "wag mong ipakitang malungkot ka kung di mo naman ito maiibahagi".
28. maggupit ng kuko bago maggitara.
29. wag makinig sa ipod, diskman, walkman, mp3 o radio sa phone kapag tumatawid ng kalsada, baka masagasaan.
30. wag masyadong iinom ng kape o kahit anong beverages na may caffein, lalo na kung hapon na, mahirap matulog sa gabi.
31. kung walang cotton buds at gagamit ng palito ng posporo, siguraduhing mahigpit ang pagkakarolyo ng bulak dito ng hindi maiwanan sa loob ng tenga.
32. sabi ni bob ong, "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.
"
33. iwasang uminom ng emperador, nakaka-empraning.
34. kung gusto, may dahilan. kung ayaw, may paraan!
35.
wag makikipag-away, masakit tamaan ng bato sa ulo.
36. sundin ang lahat ng nabanggit.