Wednesday, November 26, 2008

short story


- anonymous


Isang hatinggabi ay may magkasintahan na magka-angkas sa isang motorsiklo at mabilis na umaandar sa high way. Ang binata lang ang nakasuot ng helmet. Dahil nga dis oras na ng gabi at wala ng gaanong sasakyan sa highway, ay medyo napasagad ang pihit ng binata sa silinyador ng kanyang motor. Bagay na napansin agad ng dalagang nakaangkas sa kanyang likuran na mahigpit ang pagkakayakap sa kanyang baywang.

"Mahal, dahan-dahan lang! Baka ma-aksidente tayo.", sambit ng dalaga na may halong pag-aalala. Natigilan saglit ang binata bago sumagot, "H-Huwag kang matakot, mahal. Kapag ako ang kasama mo wala ka dapat ipag-alala, ako ang bahala...", "sige nga kung talagang mahal mo ako, yakapin mo nga ako ng mahigpit.", paglalambing nya. Lalong hinigpitan ng dalaga ang kanyang pagkakayakap sa binata na sinamahan pa ng masuyong halik sa kanyang balikat. Lalo lang naglambing ang binata, "Gaano mo ako kamahal?", tanong niya. "Mahal na mahal!", daglian namang tugon ng dalaga. "Gusto ko uling marinig....", may halong panunuyo, "Mahal na mahal kita...!", mabilis namang tugon. "Mahal, pakitanggal mo nga yung helmet ko kasi medyo nasasakal ako e... at isuot mo na rin tuloy.", pakiusap ng binata na daglian namang sinunod ng dalaga. Dahan-dahan nyang tinanggal ang helmet, agad nya itong isinuot at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Kinabukasan, isang masamang balita ang bumungad sa lahat. May naaksidenteng motorsiklo sa high way. Sumalpok ito sa concrete barrier sa gilid ng high way, namatay ang driver na binata dahil di sya nakasuot ng helmet, samantalang ligtas na at nasa ospital ang angkas nyang dalaga at malaki ang pag-asang gumaling.


Tuesday, November 18, 2008

about last night


ah, yun ba!

sorry ha, lasing lang ako ‘non..