Thursday, April 30, 2009
April 30, 2009
hmm..natapos na pala ang 1st quarter ng taon? bilis talaga ng panahon, tumatanda na talaga ako..hehe! bago nga pala matapos yung 2008 ay nagproposed ako ng mga goals ko sa buhay-buhay. magbibigay lang ako ng update, kung meron nga ba (hehe!):
career - sumagi din sa isip ko na maghanap ng ibang trabaho, yung may mas matututunan akong bago. pero naisip ko dahil sa global finacial crisis kuno, baka mahirapan lang akong maghanap ng bagong work. tyaga muna. besides may isa pa ring dahilan para mag-stay sa current kong work. (ano kaya yun? hehe!)
money - di ako nakapagsave sa bangko, as usual parang wallet ang ATM account ko. pero kahit papaano meron akong naipon na mga coins sa coin bank..wehehe..!
health - lalo pa yata akong lumakas magyosi. pagdating sa alak, humina man akong uminom, napapadalas naman. di na rin kami nakakapag-badminton ng mga ka-officemates ko. pero nagiging active uli ang CSL Packers sa pag-akyat ng bundok. last feb. umakyat kami ng mt.sembrano (pililla, rizal) at nung march di man kami nag-hiking, enjoy pa rin ang camping at swimming sa anawangin cove (san antonio, zambales). siguro yun lang ang masasabi kong magandang nangyari sa akin at na-experience sa umpisa ng 2009.
love - no comment muna, mahirap magsalita ng tapos.
others - nagawa ko na yung bus ticket collage ko at nailagay ko na rin sa frame. astig! at on-going yung ginagawa kong "inuman notebook" (songbook with chords) at ang pamosong chains na gawa sa softdrinks in can tab.
newly added goal/s - sisiryosohin ko na ang pagmomotor, susubukan kong mag-motor na lang mula san mateo hanggang alabang. para maiba naman.
Friday, April 17, 2009
beer + DVD + mobile phone = kontra-boredom
kagabi, napagtripan ko na namang mag-solo flight sa pag-inom. as usual ginagawa ko ito pag naboboring ako sa apartment. sarap kayang uminom ng ice-cold na beer, pumapak ng chicha at humihithit ng yosi (yung marlboro lights ha..) ng baun na baon habang nanonood ng DVD. comedy movie para masaya tapos tatawa ka ng tila di na uulit. wow! saya nun.
so as usual, punta agad ako sa ever-reliable na sari-sari store ni mang kanor para bumili ng 500ml na red horse. "pampatulog..?", gaya ng inaasahang pag-usisa ni mang kanor. "oho!", agad kong sagot. hehe! kulit talaga ni mang kanor. di nga ba ako makatulog? hindi ah. gusto ko lang magrelax. na-stress ako e, sa trabaho, sa buhay-buhay. basta.sabihin na lang natin na mas nakakapag-isip ako ng maayos kapag nasasayaran ng malamig na serbesa ang lalamunan ko, hehe! putek! nag-eemo na naman ako.
waahhh..ikaw pa rin talaga..
cheers..!
Saturday, April 11, 2009
muna..?
akoayflip: BUZZ..
akoayflip: oy musta?
mstryosa: uy! ahehe..ok lang..ikaw musta?
akoayflip: ok lang din! medyo namiss ka, hehe!
mstryosa: nyahaha! ganon!
akoayflip: ganon pa rin ako, wala pa ring nagbago. (wala nga ba? hehe!)
mstryosa: whuzhuuu..balita ko pinopormahan mo si ano e?
akoayflip: hala, san mo naman nabalitaan yan?
mstryosa: marami akong source, ahehe..
mstryosa: ako pa.. XD
akoayflip: ang lagay e, pinaiimbestigahan mo pala ako, harhar!
mstryosa: excuse me..kapal hah..
akoayflip: joke lang (smiley grin) hehe!
mstryosa: hmp!
..
akoayflip: anyway, meron akong tanong sa’yo..sagutin mo ng totoo..di naman kaila yung ginawa at mga sinabi ko sa’yo dati di ba..ano yung dating sa’yo nun?
mstryosa: ah yun ba,..diba sabi ko sa’yo dati, friends muna. kasi ilang ako sa mga ganon.
akoayflip: friends muna? Ibig sabihin may chance na lumagpas pa na ibang level dun? tanong ko lang, maganda na yung malinaw..
mstryosa: aahh..hanggang ngayon..naniniwala pa din ako sa chances sa kahit kaninong tao..at sinabi ko sa’yo dati, di ako nagsasalita ng tapos hangga’t di ako sure,.basta
akoayflip: ibig sabihin may chance nga? sa’yo na rin nanggaling e..wag ka mag-alala di ako lasheng..hehe..
mstryosa: basta let things be this way..mas magaan loob ko pag ganito tayo..ahehe..ok na ba yung sagot ko?
akoayflip: so meron ngang chance..
mstryosa: Nyahaha..basta yun..friends?!
akoayflip: hehe..playing safe ka talaga palagi..ok friends muna, madali naman akong kausap..nung una di ko rin maintindihan yung ganong set up..ah hindi ko pala matanggap, hehe..pero na-realized ko rin nga na mas ok yung ganito muna tayo..mas masaya, mas komportable..di ako naiilang..
mstryosa: nyaha,.opo..ako din di na naiilang sa’yo..sige po, malinaw na ah..ahehe..sige nyt..
akoayflip: salamat..good night..
Subscribe to:
Posts (Atom)