Friday, January 29, 2010

nothing can stop my itchy feet

("tsinelas" i wore on our mt.sembrano climb last year.)

'yon. mahigit isang buwan matapos ang mt.pulag climb namin, nangangati na naman ang mga talampakan ko, hehe! malapit na ang summer. bukod sa mga posibleng beach adventure/s, heto ang listahan ng mga bundok na gusto kong akyatin:

banahaw - sarado ang banahaw, pero pwedeng makakuha ng special permit/s.
cristobal
makiling - traverse if possible.
nagcarlan - mt.kalisungan talaga ang tunay nyang name.
pico de loro
daguldol
talamitam
gulugod baboy

tara na! mukhang kailangan ko na talagang magka-DSLR. haha!

(related info are from http://www.pinoymountaineer.com/)


Tuesday, January 12, 2010

CSL Packers 101: Mt. Pulag Adventure


Mt.Pulag (Akiki-Ambangeg Trail, Kabayan, Benguet, Jan. 2 - 4, 2010)


INFO:
- mt.pulag(sometimes called "pulog")
- 2,922m above sea level
- 3rd highest in the philippines, highest in luzon
- sometimes dubbed as the wettest and the coldest place on the country.

year 2009 ang masasabi kong pinaka-active na year ko bilang mountaineer at adventurer. bumalik ako ng mt.sembrano (my fourth time) noong february, nag-anawangin cove kami nung march, mt.manabu nung may, anawangin uli nung end ng may (with my officemates) at nagsasa cove noong june. doon marahil nabuo sa plano namin nila bry at ace na umakyat ng mt.pulag. gustong bumalik ni bry, naka-dalawang akyat na sya doon at atat naman kami ni ace, first time e, hehe! gusto ring bumalik ni erick, para mag-shoot. dito na rin nabuo sa plano namin ni ace ang mga series ng day-hike at minor climbs. preparation nya na rin sa mt.isarog climb nila nung november.

preperation
- ang plano: maka-3 climb sa last quarter ng taon(2009), warm-up bago ang pulag sa jan., 2010.
1. day hike sa mt.batulao (old-new trail, my second time) - oct. 24, 2009
2. day hike sa mt.maculot - nov. 28, 2009
3. overnight sa tarak ridge (my second time) - dec.12 -13, 2009

- successful ang 3 climb. malaki ang naitulong sa akin ng mga day hikes at warm-up climbs na yon. di ako masyadong nabigla at hiningal sa actual climb sa mt.pulag.

gear+equipment = gastos
- yun na, in-explain na ng subtitle, hehe! magastos ang hobby na'to. sigurado yon. from apparell at iba pang equipment. pamasahe, food at kung anu-ano pa. para sa pulag climb, marami rin akong ininvest na gamit. lalo na sa clothing, almost freezing point ang temperature doon so kailangan mo ng matinong jacket. di ko na iisa-isahin yung mga gamit, common sense na yon.

participants:

ace york ordoƱa - team leader (na baliw)/logistics
apol seban - first aider
/logistics
ansbert bidol - sweeper
erick dantoc - logistics
brian formalejo - logistics

members:
jhei flores
leonard librojo
jorge rodriguez
erwin de gula
jena gonato
edwin roilan
kit lava
alberto bainto
joseph dela cruz
jesslee ramos
jorizz jalos
jp jalos



actual climb

DAY 0 - jan. 1

10:00pm - umalis yung bus mula cubao papuntang baguio.


DAY 1 - jan. 2

4:00am - dumating sa baguio, dumating agad yung jeep ni Roger Schumacher kaya larga agad kami papuntang kabayan, benguet. 5 hours yung byaheng yon na halos puro rough road, kaya nakakahilo. sana nagbaon ako ng bonamine.

5:30 am - stop over sa jang jang eatery. kumain ng almusal at bumili na rin ng lutong kanin at ulam para sa lunch.

6:30 am - larga na uli papuntang DENR-PAO

9:00 am - DENR-PAO, registration, watched video about mt.pulag, short-breifing with ma'am tamiray.

9:30 am - larga na uli, pa-akiki jumpoff. dito na talaga ako nahilo sa byahe. waah!

11:30 am - akiki jump off, mahabang discussion related sa mga porter. nabigla ang karamihan sa pampainit na hike papunta sa doacan elementary school. "element of surprise", ika nga ni erick.

12:30 pm - lunch sa doacan elementary school

1:30 pm - resume na ng actual na trek. ayokong rumatrat. napagod ako sa biyahe, lalo na yung mula DENR pa-akiki, nakakahilo. idagdag mo pa yung di ako nakatulog sa bus. sadya kong binagalan ang pacing ko. at sangkaterbang pahinga at piktyur-piktyur, hehe..!

4:00 pm - arrival sa eddet river (campsite). buti nauna si ace (TL namin) at naitayo na yung tent, share kami ng tent e..hehe. mga 3pm pa raw sila nandoon. sabayan nyo ba naman ang guide e. nagpalit muna ako ng damit at pahinga ng kaunti.

5:00 - 6:00 pm - prepare/eat dinner. inagahan ko na ang pagluluto para sa grupo namin, dinamihan ko na rin. maaga na rin kaming kumain para makapagpahinga.

7:00 - 8:00 pm - socials. busy ang lahat. yung mga napagod, natulog na. yung mga photo enthusiasts, kanya-kanya ng hanap ng magandang subject. karamihan kinuhaan ang trail ng stars. astig ng resulta. tinira na namin yung isang "the bar" at tuna sa dinurog na sky flakes ang pulutan. mabilisan na rin ang tagay, gusto ko na rin kasing matulog talaga.

9:00 pm - lights out. madali akong nakatulog, dahil sa pagod at puyat.


DAY 2 - jan 3 (patayan at ratratan day)

5:00 am - wake up call. prepare agad ng breakfast at kumain. nagbaon na rin kami ng kanin at ulam. ako ang nagdala ng halos isang kilong kanin. waah! bigat!

7:00 am - start na ng trek. heto na ang kritikal na bahagi ng climb. pagtawid namin ng hanging bridge, yun na. assault na. nakaharap na sa amin ang napakataas na bundok.

7:30 - 11:00 am - para sa akin, ito ang masasabi ko na pinakamahirap na bahagi ng climb. bukod sa talagang matarik, dagdag pa yung mabigat kong bag. waah! yung kanin yata ang nagpabigat e, hehe! akyat! pahinga after 5 minutes ng pag-akyat. yan ang ginawa ko. sa kalagitnaan ng trek, bigla pang gumulong yung bag ni kit lava. buti na lang di nahulog hanggang eddet, kungdi simula uli sya ng trek. hehe! nagsawa ako sa pine trees. kahit saan ka tumingin puro pine trees. pine tree sa kanan. pine tree sa kaliwa. sa harap, sa likod, puro pine trees. pine trees.

11:30 am - arrival sa marlboro country, eat lunch, luto uli ng kanin. ako pa rin ang magdadala. nak ng..kala ko mababawasan na yung dala ko.

1:00 pm - resume ng trek pa-mossy forest. refill ng tubig.

3:00 pm - mossy forest. kunti na lang ang mga pine tree. puro mga punong puro lumot na at creepy pa ang mga itsura. feeling ko tuloy nasa set ako ng lord of the rings, haha! halos magkakasunuran lang kami nila erwin at jorizz.

4:00 pm - isa uling mahabang pahinga sa last water source sa mossy forest. haba rin ng pahinga namin nila erwin at jorizz. pagdating nila jena at edwin, kwentuhan sandali tapos larga na uli. refill muna ng tubig. 1.5L lang ang tubig ko. hehe! for sure di naman ako pagpapawisan dahil sa lamig.

4:30 pm - end ng mossy forest, grassland na. nakaharap na sa amin ang napakataas na hill na dinadaanan ng ulap o fog. lumalamig na talaga. nagsuot na ako ng jacket. dalawa agad. hinanda ko na rin yung poncho at headlamp ko. dumating si jorizz. maya-maya pa dumating din si erwin. pahinga muna ako. hinintay ko na sila erick at leonard bago ako lumarga. haba ng pahinga ko, haha! sabi ni erwin, pag naakyat ko ang hill na yan, may isa pa, tapos dire-diretso na yon papuntang campsite. naniwala ako sa kanya.

5:00 pm - pagdating ng grupo nila erick, lumarga na agad ako. sila naman ang magpapahinga. kasunod ko sila jena, leonard at erwin. medyo hirap na rin akong umakyat, dahil may lamig-factor na. nang maakyat ko yung matarik na hill at yung isa pa, lalong kumapal ang fog. di mo na makikita ang nasa 20m mula sa'yo. kailangan ko na ng headlamp. maya-maya nasalubong ko na si kuya pepito, ang porter namin. malapit na raw. naniwala rin ako sa kanya. sasalubungin nya na raw yung ibang grupo.

buti naman at medyo di na matarik pagtapos nung pangalawang hill. tamang baba-taas lang na trail. wala akong makitang sumusunod sa akin. napagtripan kong kuhaan ng picture ang mga naligaw na pine trees sa grassland. naramdaman kong may pumatak na tubig, "ops! wag kang uulan!", yan agad ang nasabi ko. false-alarm lang pala, hehe! mahirap na pag umulan. lakad pa, sige lakad. may narinig akong boses, pero wala naman akong makita dahil sa fog. "malapit na!", sa isip-isip ko. konting lakad pa at nakita ko na yung mga tent sa campsite. sumigaw ako, "syok!", walang sumagot.

tama si erwin at kuya pepito.

5:45 pm - arrival sa saddle campsite. yung ibang grupo pala yung narinig kong nag-uusap. nakatayo na yung tent namin, pero walang tao. nag-summit assault siguro sila ace. mokmakz na yun, iniwan yung tent. grabe na yung lamig. sinuot ko na yung isa ko pang jacket, gloves at isa pang medyas. yosi muna, pampabawas lamig, hehe!

6:00 - 6:30 pm - dumating sila ace, jorge at bert mula sa summit. maya-maya pa, isa-isa na ring nagdatingan ang mga kagrupo namin, hanggang sa makompleto ang lahat. 10 degrees celcius daw yung temperature sabi ni ace. waahh! kaya pala. grabe talaga! lamig!

7:00 - 8:00 pm - eat dinner/socials. sinangag namin ni jorge yung mga baon naming kanin. buti may mga baon na kaming mga ulam, pero nagluto pa rin kami ng ginisang corned beef. mahirap magluto sa campsite, malakas ang hangin. maaga na rin kaming kumain. tapos inuman na! hehe! tinira na namin yung huling the bar. at ang pulutan namin ay, inihaw sa stove na SPAM. haha! "pwede!"

9:00 pm - lights out. di ako nakatulog ng matino. nanunuot talaga yung lamig. considering na makapal na talaga yung layering ng damit ko ha.

suot ko:
tshirt, jacket, jacket/raincoat, wind-breaker, gloves, leggings, trekking-pants, 3pairs of socks, bonnet, arm warmer, underwear(syempre..), sleeping bag.

pero ramdam ko pa rin yung lamig. wah..putek! sigurado below 10 degrees celcius sa labas ng tent.



DAY 3 - jan 4 summit assult/descent sa ambangeg

4:00 am - wake up call. pero tingin ko 3:30 am pa lang gising na ako e. di muna ako lumabas ng tent. nang tumunog na yung alarm clock ni ace, ginising ko sya. lumabas ako ng tent para mag-yosi. putek! ang lamig! inubos ko lang yung yosi tapos balik uli ako sa loob ng tent. gusto ko sanang mag-kape, pero malabong makapagpakulo ng tubig, malakas ang ihip ng hangin. kaya pinagtyagaan ko na lang kainin yung crackers at hopia.

5:00 - 7:00 am - summit assault. tanging yosi, lighter, digicam at 500 ml na tubig(na sa tingin ko ay di ko naman ininom sa summit, hehe) ang dala ko. nauna si joseph, kasunod ako. medyo madilim pa talaga. salamat na lang sa headlamp. ang lamig talaga, nagtutubig yung ilong ko. binilisan ko yung pacing, tutal wala naman akong dalang mabigat na bag. para na rin uminit ang pakiramdam ko. madilim pa ng dumating kami ni joseph sa summit. "yahooo! nasa tuktok na ako ng luzon! hehe!" isa-isa na ring nagdatingan ang mga nag-summit assault. masyadong maulap. wala ka pang gaanong makita.

maya-maya, nanilaw na ang horizon, sumikat na ang araw. nag-umpisa ng mawala yung fog. at yun na, kahit saan ka tumingin mabubusog ang mata mo sa ganda ng view. nakita ko na rin sa wakas ang pamosong "sea of clouds". astig talaga! worth it sa lahat ng hirap na dinaanan namin makarating lang dito. nawala lahat ng pagod at sakit ng katawan dahil sa excitement. pictyuran na, hehe! ang tagal din namin sa summit. piktyuran, tawanan, kulitan at ninamnam yung tamis ng moment na yon. naks!

7:30 am - prepare/eat breakfast/. - pagkababa, kain na kami ng breakfast. nakapagpakulo na rin kami ng tubig para sa kape at noodles. sarap. ibinaon na rin namin yung mga natira pang pagkain para sa lunch.

8:30 am - break camp/start descent via ambangeg. - nag-lead ng prayer si ma'am jena bago kami umalis sa campsite. tapos larga na uli. parang ang bigat pa rin ng bag ko ah, hehe! pagdating sa trail-fork ng pa-summit at pa-ambangeg, last look sa summit. salamat pulag. see you next time. at larga na.

buti naman at di na ganon kahirap ang trail. halos patag na hanggang pa-mossy forest.

11:00 am - camp 2 - naabutan ko sila jorge at bert na nagluluto. nakisabay na rin ako

12:00 pm - resume trek.

1:00 - 2:00 pm - camp 1. akala namin ni syok naligaw na kami. kaya bumalik pa kami dun sa malapit sa camp 1. hinintay na lang namin tuloy lahat ng member at sabay-sabay naglakad pa-ranger station.

3:00 pm - babadak ranger station. wash up

4:30 pm - DENR-PAO log-out, bili ng souvenir t-shirts.

4:40 pm - head back to baguio. simula na naman ng nakakahilong byahe. nakaw...

8:00 pm - baguio (victory liner station). nauna ng umalis si leonard pa-manila.

8:30 pm - kain sa isang steak house sa session road. nakakain din ng matinong pagkain. sarap! kahit medyo parang goma yung steak.

9:30 pm - teacher's camp (with bry and jhei). sa wakas nakaligo rin ako after 3 days, hehe. lamig ng tubig, para kang tinutusok ng karayom. haha! inuman kami ni bry ng isang mucho na red horse tapos tulog.


DAY 4 - jan 5 baguio sidetrip

7:00 am - breakfast sa andoks.

9:00 - 11:00 am - mine's view park. bili ng mga pasalubong.

11:00 am - 12:00pm - last preparation sa hotel na tinulugan nila jorizz.

1:00 pm - lunch sa SM baguio.

2:00 pm - alis na ng baguio.

9:00 pm - cubao

10:00 pm - san mateo. sa wakas nakauwi rin. next time uli, mga PACKERS!

(photos courtesy of ansbert bidol)



Wednesday, January 6, 2010

Goals for the Year 2010


- hello! medyo nalate post ko ng aking goals for this year, dahil naging busy ako this first week ng january. success ang mt.pulag expedition namin. we were blessed of a good weather condition. medyo foggy pero nakita pa rin namin ang pamosong sea of clouds sa summit ng pinakamataas na lugar sa luzon (3rd highest in the philippines). {*wait for related post*}

money
- magtitipid na talaga ako. pagtitipid na hindi naman to the point na hindi na ako kakain..haha.. "wise spending" yan ang motto ko with regards sa pera (talaga lang ha..hehe!).
- mag-oopen ako ng bagong account sa ibang bangko, mag-iipon na talaga ako.
- kailangan ko ng iba pang pagkakakitaan.

career
- target ko ang government offices, yung income-generating agencies. pero sabi ng ka-osbing ko na government employee, dahil election this may, di magha-hire ang mga offices until november 2010. so i guess, tiyaga-tiyaga muna.

spiritual
- no comment..as usual..

health
- tingin ko mas lumakas akong mag-yosi last year. yung pag-inom palagay ko ganon din. pambawi na lang yung mga hiking namin. siguro dapat moderation na sa mga bisyong yon, much better pa nga kung may mai-give up akong isa. nararamdaman ko na rin kasi ang epekto, lalo na kung nagha-hike. madali na akong mapagod at madali na ring hingalin.

love
- bwahaha..manliligaw na ba (uli) ako? hmmm..{*wink! wink!*}

hobbies
- naging active na uli ang mga packers last year. at buena mano ang mt.pulag this year (jan.2 - 4). sana marami pa kaming ma-akyat, kahit minor-climb o day hike. pero mas prefer ko yung mga bundok na hindi ko pa naaakyat.
- since na-akyat ko na ang mt.pulag, tingin ko may karapatan na akong akyatin ang mt.apo. pero mukhang magulo sa mindanao e, mag-e-election pa. siguro, di ko priority ang mt.apo this year.
- kailangan ko ng bagong PC game. nakakasawa na mga RPG ko e..hehe..

other/s
- bibili ako ng acoustic guitar.
- kung kaya ng budget, dapat magkaroon ako ng DSLR, yung entry-level lang.
- parang malabo yata yung idea ko na i-motorbike ang alabang mula san mateo. pero tingnan natin. practice muna gamit yung bike ng kuya ko..haha.
- mukhang kailangan ko ng i-upgrade ang PC ko. ibebenta ko yung ibang parts para may pandagdag sa budget.