sabi ni pareng bob ong..
"kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
make sense..
Tuesday, June 29, 2010
Monday, June 28, 2010
Goals for the Year 2010 (Updates)
waaahhh! ang bilis talaga ng panahon. tapos na agad ang first at second quarter ng taon. heto ang mga nangyari sa akin nitong second quarter ng 2010:
career - nandito pa rin ako sa current work ko. binigyan ako ng break para i-try ang bagong technology bilang developer. na hindi ko naman tinanggap dahil pagbali-baligtarin man natin ang mundo, ay lugi ako sa maraming aspeto. ok lang yun. wala akong pinagsisisihan. nagpakita lang ako ng pride at konting angas. again, open pa rin ako sa idea ng paghahanap ng bagong trabaho. tapos na yung election, so tapos na rin yung election ban. priority ko sa application ang mga government offices at institutions, yung self-income-generating dapat.
money - madami akong naging gastos nung quarter na yon. summer e, sunod-sunod ang mga adventure. ok lang naman dahil gusto at hilig ko yun. dumagdag pa sa gastos yung pagbili ko ng bagong phone. nadukot kasi yung phone ko, tatanga-tanga kasi sa jeep, hehe!
health - kung naggain ako ng weight nung first quarter, nabawasan naman ito these past 3 months. nakakagulat din dahil sobrang bilis kong nagloose ng weight. pwedeng dahil sa naging active ako lately, weekly yung jogging at paglalaro ng badminton.
meron pala kaming pustahan ng isa kong officemate regarding sa pag-gain ng weight within a specific period. sana mamotivate ako..hehe!
spiritual - as usual, no comment.
love - di pa rin ako magsasalita ng tapos..basta..
hobby - dahil simula na ng rainy season, lie low na muna sa hiking at kung ano pang adventure. pero pwede pa ring magsingit ng dayhike pag mukhang makikisama ang panahon.
Sunday, June 20, 2010
food for the soul..
"sometimes we make inappropriate and immature decisions..
but then again, that's life..
it's a matter of choice and destiny combined.."
Wednesday, June 9, 2010
well, i guess it's time
nauna pa akong nagising sa alarm clock
pagbalik ng diwa'y ikaw agad ang naglaro sa isipan
ilang minuto pa bago umalingawngaw
ang pihadong nakakatureteng tunog ng relo
papatayin ko na ba ang alarm?
o hihintaying mag-eskandalo ang nasabing orasan?
hahayaan ko lang sya
mag-aksaya daw ba ng oras sa lunes ng umaga
hindi na tayo tulad ng dati
kaya na nating pag-usapan
ang mga bagay na pilit nating iniiwasan
kaya na nating sagutin
ang mga tanong na pilit nating ikinukubli
kaya na nating harapin
ang mga bagay na sa maniwala ka man o hindi
ay matagal ng nariyan
sana magkaroon na tayo
ng lakas ng loob na kumilos
at isantabi ang pag-aalinlangan
ng angas na harapin ang katotohanan
at pabulaanan ang mga kasinungalingan
ng tapang para masaktan
at muling bumangon madapa man sa daraanan
sana magkaroon na tayo ng dahilan
para magmahal
pagmamahal na kaya namang ipaglaban at suklian
Subscribe to:
Posts (Atom)