Sunday, March 9, 2008

Last Stand (2-17-2007)


heto ako, nakatayo sa'yong likuran
taas noo't hinihintay
na tamaan ng bala
na kikitil sa naghuhumiyaw kong puso
nangungusap sa repleksyon ng iyong mga mata
sa pintuan ng treng
kay bilis ng andar
ang daming naiwan

hindi ko isusuko
ang pag-ibig kong itong
kaytagal ng tinatago
ng hindi lumalaban
ibubuhos ko ang lahat
ang pagkatao ko't laman
hanggang sa huling hininga
mamamatay akong lumalaban
hangga't nasa puso ko
ang apoy na nagniningning
sa gitna ng kadiliman
lalaban ako,
maging akin ka lang

heto ako, nakatayo sa'yong likuran
nakatungo at maghihintay
pero wala akong makita
sa mga blangko mong mata
marahil hindi nga
para sa isa't-isa
hindi na lalaban,
kung alam ko naman
na sa bandang huli
ako pala ang talunan..

No comments: