Wednesday, June 4, 2008


"apol, yan ka na naman

sumusulyap, nangungusap
kinikiliti mo ako
pag nandyan sya't
nakatingin sa'yong harapan
may halong kurot pa
pag binitawan na niya
ang ngiting sa tamis
walang sinabi ang paborito
nyang gelatin at leche flan

anong saya kapag
kausap mo sya at
anong lungkot naman
kapag wala sya sa
munti nyong tagpuan
nangangati sa kakaisip
sa mga planong walang linaw
at balak na muli mo akong
tingnan at pagbigyan
palaging nag-iipon
ng lakas ng loob
ng kapal ng mukha
ng malambot na higaan na
pag nahulog ay babagsakan..

apol, yan ka naman...
wag mo na akong sasaktan!"

- heart


No comments: