Wednesday, March 31, 2010

Goals for the Year 2010 (Updates)


ang bilis talaga ng panahon, tapos na agad ang first quarter ng 2010. heto ang mga nangyari sa akin nung january, february at march:

career
- nandito pa rin ako. pero gaya nga ng nasabi ko dati, open pa rin ako sa idea ng paghahanap ng bagong trabaho.

money
- as usual, parang pitaka pa rin ang ATM account ko. wala pa rin akong ibang account sa ibang bangko. siguradong magastos ako ngayong saummer. ang dami kong gala..waahhh!

health
- lumalakas akong magyosi. basta, may time na napaparaming stick ng yosi ang nauubos ko sa isang araw. kailangan na talaga ng disiplina. medyo nag-gained ako ng weight. good news yun para sa patpating tulad ko, hehe!

spiritual
- ayun! as usual, no comment.

love
- no comment muna rin. ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay. naks! hehe!

hobby
- successful ang mt.pulag climb namin nung january.
- nakasama ako for the first time sa isang mountaineering club sa isang hike sa mt.cristobal nung february, ang BSP-MC nila syok. astig!
- nakumpleto ko na rin ang pagbisita sa mga coves ng zambales (anawangin, nagsasa, silanguin) nung march.

others
- nagkaroon na rin ako sa bahay ng matinong internet connection.


3 comments:

Pink and Stray said...

O, asan na ang sinasabi mong "goals for the year"? Na-excite pa naman ako XD

Pink and Stray said...

O, asan na ang sinasabi mong..."goals for the year"? Na-excite pa naman ako XD

akosiapol said...

updates na lang yan..hehe..heto talaga yung post na yon: http://akosiapol.blogspot.com/2010/01/goals-for-year-2010.html