Thursday, July 22, 2010

ito ang gusto ko.. (gusto kong.. part 2)


gusto ko ng akyatin ang mt.apo
tingin ko may "k" na akong gawin iyon
dahil na-akyat ko na ang mt.pulag
pero gusto ko pa ring bumalik sa mt.pulag
gusto kong bumalik sa mt.cristobal
gusto ko uling makita yung mga firefly
gusto kong maligo sa crater lake ng pinatubo
gusto kong akyatin ang mt.makiling, gulugod-baboy, mt.kalisungan sa nagcarlan

gusto ko ng magka-DSLR
gusto ko na ang landscape photography
gusto kong gumala ng gumala
gusto kong mag-swimming
sa caramoan,
coron, palawan
at sa panglao, bohol
gusto kong makita ang chocolate hills
gusto kong makita ang mga tarsier
gusto kong bumalik sa nagsasa at silanguin cove
gusto kong pumunta sa vigan
gusto ko ring makita ang bangui windmills

gusto kong mag-bunjee jumping
gusto kong subukan ang mahabang zipline ng pinas
gusto kong mag-rappelling
gusto kong mag-wall-climbing

gusto ko uling maggitara

gusto ko na talagang maging government employee

gusto ko na ring mag-quit mag-yosi

gusto pa rin ba kita?

gustong-gusto ko pa rin ang mga bagay na gusto ko

gusto ko pa rin ang gusto meatloaf


2 comments:

Pink and Stray said...

WOW...nakaligo ka na sa MT. PINATUBO!??? Amazing...inggit ako XD

Grabe na ang mga karanasan mo sa BUNDOK-hiking XD haaayz...nakakamiss maglakbay.
Di bale, pag nakaangat na uli ako (you know what I mean) sasama ako sa pag-akyat mo!

Hays, pareho tayo ng mga pangarap sa paglalakbay.... ^^

akosiapol said...

nope di pa ako nakakaligo sa pinatubo..pero gusto ko. sige pag may hike kami at pwede ka, sama ka ha..^_^