Thursday, January 13, 2011

the art of sales talk

kagabi, sa isang boutique sa isang sikat na mall dito sa south..

apol: *wow! sale ng jeans..50% off..* (agad pumasok at kinalkal ang tumpok ng mga pantalon. may napusuan agad na astig na jeans. itinabi muna at tumingin uli ng iba pa.)

saleslady: (lumapit sa akin. maganda at sexy. sabay sabing..) ..yan sir, bagay sa inyo yan!

apol: (itinuro yung hawak na jeans..) ..ah eto ba miss?

saleslady: oo sir! tamang-tama yung kulay na yan sa inyo!

apol: (dinampot uli yung unang natipuhang jeans.) ..eh eto. ok ba 'to?

saleslady: naku, sir! lalo kayong popogi pag suot nyo yan..!

apol: (dumampot ng jeans na kinaiinisan nya ang kulay) ..

saleslady: yan sir! bagay na bagay din sa inyo yan..

apol: (dumampot uli ng jeans na kinaiinisan nya ang kulay at design) ..

saleslady: yan sir! bagay na bagay sa inyo yan. tamang-tama yan, parang sinukat.

apol: (dumampot uli ng jeans na kinaiinisan nya ang kulay at design, at super-liit, size 24 yung waistline) ..

saleslady: yan sir! bagay na bagay sa inyo..yya....(*fade*)

apol: (lumabas ng boutique)


2 comments:

Pink and Stray said...

Ow...totoo ba 'to!? Parang sa sitcom lang sa TV ah! Hahaha!

akosiapol said...

wahahah! yup totoo yan..tanong mo pa sa sales lady..hehe..:P