Tuesday, September 16, 2008
iskolar kuno ng bayan
late na’ko
may exam pa naman
dehins na mamamatok
sabit na sa bulok
di pa rin tapos ang LRT 2
ang traffic sa EDSA
ang baho na ng Aurora
nagkalat ang mga buraot,
pirata, holdaper, snatcher, fixer,
pokpok, tindera, dispatcher
‘tang-ina, nalaslas ang bag ko
ang iingay ng mga kupal na
tawag-boys sa Stop and Shop
nagkakarerahan
ang mga estudyante sa Teresa
“late na kayo!”, sabi ng tren
yosi muna habang papasok sa campus
“hoy, ID mo!”, sabi ng guard
ka-asar na prof
self-study na naman
puyatan sa thesis
overnight kina crushmate
“pare, tagay mo!”, sabi ng class president
ubos na naman ang allowance
“man, pautang nga!”
tambay sa cubicle
sa lobby o sa lagoon kaya
putres, nagkalat ang condom
sa corridor na lang
dinadaliri ang cellphone
“tama na!”, sabi ng nagrarally
nag-uunahan ang checker at prof
nanalo ang checker, uwian na
ang sakit na ng puson
purgang-purga na ako sa pancit canton
“window-shopping”
kabisado ko na ang SM
nilasing na ng ginpomelo
hinilo na ng Marlboro
‘yung lights ha
wala pa ring girlfriend
manliligaw na ba ako
kabisado ko na ang
lovelife na kaklase ko
kabisado ko na ang himno ng peyups
sa wakas, gagraduate na ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment