Tuesday, January 20, 2009

Chapter IV: Si Jabcy the Gingerbread Girl at ang Big Bad Wolf


sa big bad wolves den...


Tuwang-tuwa ang lobo sa kanyang dala-dala, "Nyahaha..., ilang araw ring supply ng tsibog 'to.", sabay lapag kay Jabcy sa isang tabi. Hay naku at tulog pa rin ang dambuhalang tinapay at wala na yatang balak gumising. Inamoy-amoy ng lobo ang tinapay, "Not bad! Not bad!", nasambit nya na animoy lalo lang nanabik na kainin ang nakahaing grasya. At sinimulan na nyang kainin si Jabcy, uunahin nya ang mga daliri sa mga kamay nito. Dahan-dahan at unti-unti nyang kinagat ang daliri ni Jabcy...medyo pabaon na ang matatalim na pangil ng lobo ng...biglang dumilat ang mga mata ni Jabcy. Saglit natigilan ang naalimpungatang tinapay, nag-isip, naramdaman ang nangungurot na sakit sa kanyang mga daliri na kagat-kagat ng lobo. Bumuwelo at sabay atungal, "Whaaaaaaaaaahhhhhh.......!!!", ng malakas, matinis at nakakaturete. Agad na natigilan si Big Bad Wolf sa pagkagat, nangilo sa mataas na frequency na ngawa ni Jabcy. Napatingin si Jabcy sa kanyang mga daliri, nakita nya ang lobo na kagat-kagat ito. Ang natural na reaksyong ng kanyang kamay ay isang malakas na wasiwas, na nagpaangat sa lobo at tumilapon pataas. Tumama ng malakas ang likod nito sa bubong ng Big Bad Wolve's Den, (ARAY!). Bumagsak... "Blagag!" (ARAY!) sa lupa. Hilo ang lobo na akala mo'y nakatikim ng 1-2 combo punch mula kay Pacquiao. Ilang saglit din syang nakahiga, namimilipit, ramdam ang bawat sakit sa kanyang katawan. Pinilit nyang tumayo, dahan-dahan, hinahagilap ang ulirat na muntik ng mawala dahil sa inabot kay Jabcy. Tuloy pa rin at lalo pang nilakasan ng dambuhalang tinapay ang pagngawa, "Whaaaaaaaaaahhhhhh.......!!!(volume2x)". Nang ganap ng nakatayo ang lobo at unti-unti ng bumalik ang kanyang katinuan, agad nyang binulyawan ang nagngangawang si Jabcy, "Hoooooyyyy....! Tumahimik kaaah........!". Natigilan sa pag-iyak ang tinapay, humihikbi-hikbi, "(Hikbi! Hikbi!..)", tiningnan kung sino yung sumigaw sa kanya. Nakita nya si Big Bad Wolf na masama ang tingin sa kanya. Muling umiyak, mas lalong nilakasan, "Whaaaaaaaaaahhhhhh.......!!!(volume4x)" na hinaluan na ng pagmamaktol. Muling sumigaw si Big Bad Wolf, mas malakas, "Anak ng.., TUMAHIMIK KA....!". Pero wala ring silbi, higit na mas malakas ang pag-iyak ni Jabcy, nasasapawan lang ang mga pagsigaw nya. "TUMAHAN KA NA....!", paulit-ulit na sigaw ni Big Bad Wolf, pero wala na talagang silbi ang pagsigaw nya.

"Grrrrrrr....! Kung ayaw mong tumahan, bahala ka sa buhay mo....!", nasambit na lang ni Big Bad Wolf sabay walkout. Mabilis syang lumayo sa kanyang pad habang naiirita sa pag-iyak ni Jabcy na animoy paulit-ulit na sumusigaw sa kanyang ear drum. Nagpunta sya sa gubat sa silangang bahagi ng Big Bad Wolves Den. Hinananap nya ang paborito nyang puno ng chububu na lagi nyang pinagsi-siestahan kapag naboboring na sya sa kakahunting ng matsitsibog. Pumasok sya sa pagitan ng mga ugat nito kung saan meron pala doong sikretong silid. Dumiretso sya sa kama at humiga. Saglit nag-isip. Naririnig pa rin nya ang atungal ni Jabcy sa malayo. Kahit mahina na ito ay nakakairita pa rin ang pitch ng iyak nito. "Putek, talaga! Hanggang dito ba naman ay dinig ko pa rin yung pag-ngawa ng lecheng tinapay na yon." Agad nyang tinakpan ng unan ang kanyang malalaking tenga. Pero dinig nya pa rin ang mga iyak ni Jabcy na parang jack hammer na bumabaon sa kanyang kukote. "Grrr...! (ngitngit) Ka-inis naman...!", agad syang bumangon at binuksan ang kanyang munting tokador. Kinuha nya ang kanyang ever-reliable na Ipod Nano na nabili nya ng four gives sa mga evil sisters. Agad nyang isinaksak sa mga tenga ang ang ear phones at nakinig sa paborito nyang banda, ang WolfGang. "Hmmm..., much better!", at yon di na nya narinig ang talaga namang nakakairitang pag-iyak ni Jabcy. Naka-ilang kanta lang ang lobo sa pakikinig at di na nya namalayan na nakatulog na sya.

Madaling araw nang maalimpungatan na lang si Big Bad Wolf, narinig na naman nya ang nangungulit na pag-iyak ni Jabcy. Nalow-bat at namatay na pala yung Ipod Nano n'ya. Ngunit mahina na ang pag-iyak nito at pahikbi-hikbi na lamang. "Hala! At umiiyak pa rin...", nabanggit na lang nya. Agad syang bumangon at dali-daling pumunta sa kanyang pad. Natigilan sya at napatayo na lang sa may pinto. Nakita nya si Jabcy sa isang sulok, nakaupo at yakap-yakap ang sariling mga binti, umiiyak pa rin. Napatingin ang gingerbread sa kanyang kinatatayuan, hindi ito nagbago ng reaksyon. Humihikbi pa rin ito at namumugto na ang malulungkot nyang mga mata, dala na marahil ng matagal na pag-iyak. "Aba!", may pang-aasar at mataas na tonong sabi ng lobo, " At hindi ka pa rin nagsasawa sa...", natigilan. Tinitigan ni Big Bad Wolf ang mga mata ni Jabcy, para kasi itong nangungusap at may ibig sabihin. Matagal silang nagkatitigan. Hindi na nakakabingi ang mga paghikbi ng tinapay. Biglang nawala ang inis at ngitngit na kagabi nya pa nararamdaman. Sya ay nahabag sa kalagayan ng gingerbread. Biglang binawi ni Jabcy ang tingin at yumuko. Tuloy pa rin sa pag-hikbi. "Hikbi..hikbi..", sabi nito. Naisip ni Big Bad Wolf, "Ano bang problema nito at di timigil sa pag-iyak?", isip-isip nya. Nang biglang narinig nya ang pagkalam ng sikmura nito, malakas. "Nyek, nagugutom ka lang pala e. Dapat kagabi mo pa sinabi.", sabay punta sa direksyon ng ref. Binuksan nya ito at kumuha ng makakain para ibigay sa nagugutom na palang tinapay. Meron doong fried chicken, pizza, ice cream at apple. Di nya ibibigay yung fried chicken, lalo na yung pizza. Paborito nya kaya yun. Kaya yung apple na lang ang dinampot nya binato kay Jabcy, "O ayan kumain ka. Nagrerebolusyon lang pala yung mga bulate mo sa tyan e.", sabi nya na may pang-aasar. Di ito sinalo ni Jabcy, pinanood lang ang mansanas sa pagbagsak nito sa lupa. Medyo naasar si Big Bad Wolf, "Aba! at nag-iinarte ka pa ha! Ikaw na nga itong binibigyan ng chibog e!". Di natinag si Jabcy, tuloy pa rin sa paghikbi. Kinuha lahat ng lobo ang laman ng ref at inilapag sa harap ni Jabcy, nagbabasakaling may magugustuhan kainin. Pero wala itong dinampot kahit na isa. "Ano ba talagang gusto mo? Nagugutom ka di ba?", tanong nya na may halo ng konting yamot. Di pa rin sumagot si Jabcy, ang gutom nyang tyan ang sumagot. Kumalam muli ito ng ubod ng lakas. Di nya maintindihan ang mga pinagsasabi ng lobo, di rin nya masabi kung ano ang gusto nya dahil di naman sya marunong magsalita. Ang tanging laman ng utak nya ay ang makatikim at makakain ng paborito nyang leche flan. Yun lang.

Dagliang tumayo at pumunta sa direksyon ng pinto si Big Bad Wolf sabay sabing, "Dyan ka lang. Wag kang aalis. Pupunta lang ako sa bayan.". Lumabas sya sa kanyang pad at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa Di-Kalayuang-Kaharian.

to be continued...



apol: wants an alcohol-free weekend...


pero depende pa rin kapag may manlilibre...

hehe...!


Wednesday, January 14, 2009

am i ready?


kagabi, napagtripan kong magsolo-flight sa pag-inom ng beer, hehe! so punta agad ako sa ever-reliable na munting sari-sari store ni mang kanor at bumili ng isang bote ng malamig na redhorse(500 ml). red horse, para may tama agad, hehe. "Pampatulog...!", pabirong boka ni mang kanor. "Tama...!", sagot ko naman. madalas kong gawin yun kapag nabobored ako sa apartment o habang nanonood ng DVD. comedy mapanood para masaya. naubos ko agad yung isang bote, medyo tinamaan na ako ng konti (bilis noh!). kaya agad akong bumalik sa tindahan ni mang kanor para bumili ng resbak. san mig light na lang ang mabili para swabe at maparami yung maiinom. "O, san mig na? Para kay misis ba yan?", nagtataka sigurong tanong ni mang kanor. parang malakas na tunog ng bell ang dinig ko sa word na "misis" sa banat ni mang kanor. di ako nakasagot, "Ha?!!!", sa isip-isip ko. kinuha ko ang bote ng beer at agad na umalis.


mukha na ba talaga akong may-asawa? o ibahin natin yung tanong. mukha na ba akong ganon katanda para isipin nilang may asawa na ako? hehe! (mas lumalala yata ah?). sabagay, i'm in my late 20s na (isekreto daw ba ang eksaktong eded! hehe! ayokong maging specific, late 20s na lang talaga, hehe!). one time nga nung bumibili ako ng bag sa isang bago at sikat na mall sa marikina, may inalok na bag sa akin yung sales lady. "Ah sir, eto ho! Magugustuhan ng asawa n'yo yan.", sabi nya. "Ha!", naisip ko na lang. asawa na talaga e noh. yung ibang relatives at friends ko ganon din ang sinasabi at tanong. "Bakit di ka pa nag-aasawa?", girlfriend nga wala pa rin ako e, asawa pa, naiisip ko agad. madaling mag-asawa, mahirap magka-asawa, yun yung madalas kong isagot sa makulit nilang tanong. pero bakit nga ba? maraming dahilan, pero mamaya ko na sasabihin (hehe! nangbitin pa!). maganda palang sabihin na malalaman nyo rin yung mga dahilan.

ok. gawa ako ng self-assessment para malaman kung talagang handa na akong lumagay sa "magulo":

financially/economically - wala akong pera, wala akong savings. magastos kaya magpa"sakal".

spiritually - no comment.

emotionally - mag-iisip muna. marami pa akong gustong gawin. di ko pa naaakyat ang mt.apo e. pero di ko pa rin naman masasabi na di ako ready emotionally. madali naman akong mag-adjust.

pero ako naman ang magtatanong. kailangan ba kapag nasa ganitong edad ka na ay dapat may aswa ka na? i don't think so! pasensiya na, ganito talaga kasi ako mag-isip. against the flow.

to be continued...



Tuesday, January 6, 2009

yet another boring day


pucha! man, nakadalawang post ako sa loob ng isang araw. petix? hehe! ah boring lang talaga. walang magawa. sumabay pa yung malamig at medyo umaambon na panahon. naalala ko tuloy yung madalas ipangboka ng kwela kong ka-opisina. "mahirap gumawa ng wala!", mahirap naman talaga di ba? hirap kayang tumunganga sa harap ng computer buong maghapon at magkunwaring busy. check ng email, browse, browse, plastikan sa facebook, check uli ng email baka nag-email ang bosing, browse na naman. nabasa ko na tuloy yung lahat ng blog posting nung dalawa kong ka-osbing (namely: tigastitig at roadworthyman). ah punta na lang ako ng pantry. ayokong magkape, iced tea na lang. yosi? ayoko munang mag-yosi, nakakasawa. uy, nag-text yung isa kong ka-PACKERS. nagyayaya ng akyat this coming saturday. ganon ka-urada. ok lang din, wala rin naman akong gagawin this weekend e. ah lagi palang boring weekends ko. hah..pakinggan ko nalang yung iyun at iyun ding mga kanta sa MP3 player ko. lakasan ko yung volume para mabulahaw yung katabi kong officemates. punta na lang ulit ako sa pantry, baka may machichibog duon. nak ng... wala! silayan ko na tuloy yung crush ko. hehe! haaayyy..ganda talaga nya. 'lam ko na! gawin ko na yung blog post ko sa 360 (parang daily report na malamang di rin binabasa nung patats kong bosing) para mamaya maagang maka-uwi. tama! ngayon lang ulit ako tinamad ng ganito sa buong buhay ko. naramdaman ko na naman yung feeling the day na mag-eskapo ako sa dati kong pinapasukang kumpanya. malupit naman kasi doon e. para kang alipin, walang petix. ewan ko nga bakit nakatagal yung iba roon. check uli ng email, reply, browse, browse, nanggago sa facebook...hay! hikab...!

inaantok lang pala ako...

hay! miss ko na ang aking kama..


cue: kamasupra - eraserheads

"..masarap matulog,
lalong-lalo na pag umuulan.."



dear apol;


uy apol! musta? putek! yan ka na naman! sinaktan mo na naman ako! pero ok lang yun, ganon talaga. at least pinatunayan mo na kaya mong magmahal. na kaya mong masaktan. pinatunayan mo pa rin na kaya mong lumaban kahit na alam mo ng sa bandang huli ikaw pala ang talunan. ayus lang yon, at least naramdaman nyang pinahalagahan at minahal mo sya. ipinakita mo sa kanya na kaya mo syang ipaglaban kahit hindi mo sya pwedeng ipaglaban. yun nga lang iba yung pagkakaintindi nya sa naramdaman mo. iba yung dating para sa kanila ng ginawa mo para sa kanya. sabi nga ng gasgas ng kasabihan, "lahat ng nangyari, may dahilan". mabuti nga ganon ang nangyari. ayos nga, nalaman mo yung bagay na di mo dapat malaman at mabuti na rin yun at nalaman mo. kasi na-realized ko kung sino talaga ang gusto ko. tama nga si pareng jim ng american pie. mapaglaro talaga kami. akala mo at akala ko rin na sya ang gusto nating dalawa. pero sa bandang huli marerealize mo na iba pala ang gusto mo. nariyan lang pala sya sa tabi-tabi, di mo lang napapansin.

whoooshooo! nagpapalusot ka pa...! nasaktan lang tayo kaya ka nagkakaganyan. pero yan ang dapat. move on, pare. isipin mo na lang na di ikaw ang nawalan. sya kaya. di lang sya ang babae sa mundo noh. marami dyang iba.

o sya, sya! next time na lang uli. wag ka na mag-e-emo ha. creepy e.

sincerly yours,
your heart

P.S.
wag mo na ulit akong sasaktan..