Wednesday, January 14, 2009
am i ready?
kagabi, napagtripan kong magsolo-flight sa pag-inom ng beer, hehe! so punta agad ako sa ever-reliable na munting sari-sari store ni mang kanor at bumili ng isang bote ng malamig na redhorse(500 ml). red horse, para may tama agad, hehe. "Pampatulog...!", pabirong boka ni mang kanor. "Tama...!", sagot ko naman. madalas kong gawin yun kapag nabobored ako sa apartment o habang nanonood ng DVD. comedy mapanood para masaya. naubos ko agad yung isang bote, medyo tinamaan na ako ng konti (bilis noh!). kaya agad akong bumalik sa tindahan ni mang kanor para bumili ng resbak. san mig light na lang ang mabili para swabe at maparami yung maiinom. "O, san mig na? Para kay misis ba yan?", nagtataka sigurong tanong ni mang kanor. parang malakas na tunog ng bell ang dinig ko sa word na "misis" sa banat ni mang kanor. di ako nakasagot, "Ha?!!!", sa isip-isip ko. kinuha ko ang bote ng beer at agad na umalis.
mukha na ba talaga akong may-asawa? o ibahin natin yung tanong. mukha na ba akong ganon katanda para isipin nilang may asawa na ako? hehe! (mas lumalala yata ah?). sabagay, i'm in my late 20s na (isekreto daw ba ang eksaktong eded! hehe! ayokong maging specific, late 20s na lang talaga, hehe!). one time nga nung bumibili ako ng bag sa isang bago at sikat na mall sa marikina, may inalok na bag sa akin yung sales lady. "Ah sir, eto ho! Magugustuhan ng asawa n'yo yan.", sabi nya. "Ha!", naisip ko na lang. asawa na talaga e noh. yung ibang relatives at friends ko ganon din ang sinasabi at tanong. "Bakit di ka pa nag-aasawa?", girlfriend nga wala pa rin ako e, asawa pa, naiisip ko agad. madaling mag-asawa, mahirap magka-asawa, yun yung madalas kong isagot sa makulit nilang tanong. pero bakit nga ba? maraming dahilan, pero mamaya ko na sasabihin (hehe! nangbitin pa!). maganda palang sabihin na malalaman nyo rin yung mga dahilan.
ok. gawa ako ng self-assessment para malaman kung talagang handa na akong lumagay sa "magulo":
financially/economically - wala akong pera, wala akong savings. magastos kaya magpa"sakal".
spiritually - no comment.
emotionally - mag-iisip muna. marami pa akong gustong gawin. di ko pa naaakyat ang mt.apo e. pero di ko pa rin naman masasabi na di ako ready emotionally. madali naman akong mag-adjust.
pero ako naman ang magtatanong. kailangan ba kapag nasa ganitong edad ka na ay dapat may aswa ka na? i don't think so! pasensiya na, ganito talaga kasi ako mag-isip. against the flow.
to be continued...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment