Tuesday, March 10, 2009
eraserheads...aftermath...
sa wakas..natuloy din yung inaabangang "final set" ng eraserheads. nanood kami ng mga officemates ko and one of their friend. ayuz naman yung concert, astig ng production. halatang pinagkagastusan ang stage, mtv ba naman ang isa sa mga nag-produce e. bukod sa 2 wide screen (LCD) na nasa gold area ay mayroon din 4 na medyo maliit sa itaas mismo ng stage, tig-iisa sila ely, raymond, buddy at marcus(astig, yaman!). hindi naman gaanong mahigpit ang security at di rin sya ganon ka jam-packed. malamang ine-expect ng mga organizer na mas maraming manonood kaya nilakihan nila ang venue. pero ang hindi nila alam ay hindi na ganon ka-excited ang mga fans sa reunion concert ng eheads gaya nung aug 30 last year which is hindi ako nakapanood because of some stupid reasons, hehe!. sabi ng friend-ex-bandmate ko iba raw talaga yung aura at dating nung mga oras na yon sa the fort. lalo na ng patapos na yung countdown at umangat na yung stage at lumabas na ang the big 4 (beatles raw sila ng pinas e, hehe!) goosebumps at kakaibang level ng excitement raw ang mararamdaman mo.
to sum it all, nakakanta sila ng 27 songs sa 3 sets, bonus yung last set, hehe! bad trip lang, di ako makatalon, hehe! medyo siksikan sa pwesto namin e. kaya nakontento na lang ako sa pagsabay sa pagkanta. ok lang naman ang performance at expected na ang astig at medyo technical na musicality ng eheads. nakijam pa sa kanila si jaz ng itchyworms. kinanta rin nila ang chorus ng "kaleidoscope world" ng late master rapper na si francis m. na dapat daw ay magra-rap sa superproxy. sa reggae-version ng "wag mo ng itanong" ni marcus lang talaga ako natuwa, hehe. astig kaya. di nga lang maipinta yung mukha ni ely at di sya naggitara nung kumakanta si marcus, ginago kasi yung kanta nya e, hehe! at gaya ng inaasahan, "huling el bimbo" ang last song (akala ko at akala rin ng lahat). gusto ko sanang isayaw yung isa kong ka-officemate, hehe! (uy..!) kaso sisikan e. nagsunog pa si ely ng piano na sa tingin ko e medyo corny. tapos fireworks, what a generous way to end a show! marami naman silang kinita e. sa silver section kami, worth 1300 pero halos di mo na makilala kung sino yung mga nasa stage. ah, yun pala ang silbi ng mga dambuhalang LCD monitors, hehe. natapos ang second set, yun nag-group hug na rin sila sa wakas (syempre kasama rin si jaz.) kinantyawan daw kasi sila maige nuon sa una nilang concert ng "group hug", pero deadma lang daw sila, hehe!
uwian na, pahinga muna kami para di makisiksik sa mga palabas. upo ako sa bakal na barikada para magpahinga, ilang oras kaya akong nakatayo. nang biglang nagsalita si ely, "nandyan pa ba kayo...?". nagkagulo ang mga tao, balikan yung mga paalis na, stampede na. e bukas na yung bakal na barikada papasok sa gold section, duon dumaan lahat ng mga taga-silver section. di napigilan ng mga bouncer, haha! belat. pinatakbo ko agad sila chloe duon at inakyat ko na yung bakal na harang para makatawid sa gold section. haha! lapit kami ng todo sa stage. yun, ayuz! medyo makikilala mo na sila compare sa pwesto namin lately. nakakuha rin kami ng picture at video na malapit-lapit at maganda ang angle. nakatalon na rin ako, hehe(habang kinakanta ang "ligaya")! doon lang ako na-excite sa moment na yun.
enjoy naman kahit papaano. at mukha ring nag-enjoy yung officemate ko and her friend. yun nga lang nahirapan kami sa paghahanap ng makakainan afterwards, hehe! astig pa rin sila! next time uli, sigurado namang mauulit yan e! hehe!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment