Thursday, September 10, 2009
halina ng alabang-zapote road
thursday, 08.27.2009
mga alas-siyete ng gabi, matapos kumain ay papunta kami ng isa kong ka-opisina sa festival mall (alabang). agad kaming nakasakay ng jeep na naghihintay sa ilalim nung footbridge sa harap ng ATC. naunang sumakay sa jeep yung kasama ko. may nahulog na barya. "opss..nahulog yung pera mo.." sabi nung isang lalaki. pinulot ko yung limang piso, sabay sabi dun sa kasama ko, "oy! sa'yo yata toh e.", sabay tingin doon sa pinaglaglagan nung barya, baka kasi di pa napupulot yung iba pa. may pinulot yung mama at inabot sa akin, dali ko naman itong binigay sa kasama ko habang paupo sa loob ng jeep.
nang biglang may naramdaman akong kamay na pumasok sa kanang bulsa ko! putek! madurukot! buti na lang at matalas ang aking pakiramdam. at buti na lang at hindi nya maipasok ng maigi ang kanyang kamay, medyo malalim kasi yung bulsa ko. nandoon pa naman yung celfone ko. umarte na lang ako na kunwari kukuha ako ng pambayad ng pamasahe sa kanan kong bulsa. pero ang totoo, nasa bag ko yung coin purse ko. na-alarma yung mandurukot, agad itinago yung kamay sa jacket na nasa lap nya. props lang pala ang jacket na 'yon. nakiramdam ako. binilang ko yung mga posibleng kasabwat. yung 2 mama na naghulog ng barya sa harapan ko, yung nakasabit na isa pwede rin. 'tong mandurukot sa kanan ko. pwede rin itong ale sa kaliwa ko na medyo maingay at kakaiba rin ang kilos. ang iingay nila at ang lilikot. di ako makapag-isip ng maayos. hindi na siguro ako nito dudukutan uli, kasi alam nya na, na alam ko na yung balak nya. bababa ba kami ng jeep? di ako makapagdesisyon.
biglang tumayo yung maingay na aleng katabi ko sa kaliwa at lumipat ng pwesto. umurong yung katabi nyang lalaki at tumabi sa akin. ginitgit na ako. pinaggitnaan na ako ng dalawang mokong na'to. dito na ako tuluyang kinabahan. sigurado. gagamit na ng dahas at pwersa ang mga 'to. madilim at wala pa naman gaanong tao sa parte ng alabang-zapote road na yon (westgate hanggang festival mall).
buti na lang, nagsakay pa ng pasahero ang jeep doon sa may bandang dulo ng ATC, malapit sa may terminal ng mga bus. bigla akong napatayo at mabilis na bumaba. di ko na natawag yung kasama ko. sya pa nga ang tumawag sa akin, "oy! apol..bakit?". bakit daw ako bumaba. lumayo ako ng bahagya sa jeep at tinawag yung kasama ko. "tara! tara! bumaba ka na!", sabi. di ko masabi na sangkaterbang mandurukot/holdaper/laglag barya gang ang nakasakay sa jeep na yon. bumaba rin ng jeep yung kasama ko. minadali ko sya. habang naglalakad palayo, sinabi ko sa kanya ang nangyari. takot at paranoid na ako. baka kasi biglang bumaba ang mga yon at sundan kami. bumalik kami sa loob ng ATC.
haay! muntik na kami run ah. may dala pa naman akong pera dahil araw ng sweldo. buti na lang..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Grabe yung pangyayaring yun. Short lang pala ang kuwento mo kay ate, heto ang full version. Good piece! Magandang ikalat to sa madla para maging aware rin sila sa mga modus operandi na mga mandurukot na yun.
Maganda ang piece mo, ok ang pagkakagamit ng mga salita. Fully-detailed. Great, great piece for a Tagalog writing. ^^
Great piece!
Buti na lang at na-share mo to sa madla para mas maging aware sila sa mga modus operandi ng mga mokong dito sa Pinas!
I like how you use Tagalog words in your blog; very detailed. Hope to read more entries!
oy jenny..salamat..
oo nga..ingat rin kayo pag sasakay ng jeep.
salamat! marami pang posting dyan..kalkalin mo lang sa "ang dami-dami-dami nila" section..hehe..
Post a Comment