Thursday, February 11, 2010

this next post is all about love..


tutal malapit na naman na ang valentines, magpaka-chezzy muna tayo. yiiiii! nak ng..di bagay! haha!

{*di ako mag-eemo! di ako mag-eemo..*}

define love? what is love? putek.., parang slum book lang nung high school! haha! hindi ako magbibigay ng bagong meaning ng love. marami ng gumawa nun. hindi ko rin ilalahad ang pananaw ko tungkol dito. common na 'yon. {*e para saan pa ang blog post na 'to? aber!*} hehe! wala lang! para masabi lang na may post ako about love..hehe!

ayon sa wikipedia, ang libreng encyclopedia ng lahat, ang LOVE - ".. is any of a number of emotions related to a sense of strong affection and attachment.."

ayon sa dictionary - "love is a deep feelings balanced by deep reason and respect.."

ayon naman kay mang kanor - "ang pag-ibig? {*hithit ng yosi! hinga ng malalim, sabay buga!*} parang sipon lang yan! {*hithit uli! buga habang nagsasalita!*} pag nakabara at nahihirapan ka ng huminga, isinga mo lang. {*inilagay ang isang kamay sa beywang!*} kasi 'pag pinabayaan mo yan, tutulo yan! kadiri! eeewwww!"

may point sya di ba? hehe!

in short, malawak ang kahulugan ng pag-ibig. pero subukan nating tumbukin ang partikular na uri ng love. ang "eros", ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao (ayon sa lumang greek). kailan mo masasabi na iniibig mo na ang isang tao? sapat na bang batayan na may kakaibang kiliti kang nararamdaman sa iyong puso tuwing kasama mo sya, para sabihin mong pag-ibig na nga ang nararamdaman mo? "infatuation lang yan!", hirit ng karamihan. "infatuation", parang na-empacho lang ang pagkakaintindi ko ah..hehe! sapat na bang dahilan na hindi ka mapakali o di ka makatulog kapag wala sya sa piling mo? "nami-miss mo lang sya..", hirit na naman nila. pag-ibig pa rin bang maituturing nung halos pagsakluban ka ng langit at lupa nung nakita mo syang may kasamang iba. "selos ka lang!", hirit pa rin nila. ops! ibang usapan na ang "selos". hindi tayo tatalon sa topic na 'yon. hindi ko rin sasagutin ang tatlong tanong. iba-iba tayo ng pananaw tungkol dito. hahayaan kong kayo na lang ang sumagot sa mga nabanggit na tanong..

{*ang labo mo talaga!*}

ayuz! pagbalig-baligtarin man natin ang mundo, for sure nakakahilo 'yon. haha! nandyan lang ang pag-ibig sa tabi-tabi. pagdaan mo sa isang school, may high school students na magkahawak ang kamay (at pa-sway-sway pa!) habang naglalakad pauwi {*oy! siguraduhin ninyong uuwi kayo ng bahay ha! hehe!*}. pagtingin mo sa park, may magsing-irog na magkayakap at ninanamnam ang tamis ng sandali na magkasama sila. at sa isang clinic, may lola't lolo na magkasama at sabay nagpapacheck-up dahil sa rayuma nila. minsan nga, nandyan na pala sya (ang pag-ibig), di mo pa napapansin. diretso ka kasi tumingin. hindi kasi ginagamit ang mata para makita ang pag-ibig. dahil iba ang nakikita ng mata sa nakikita ng puso.

{*pucha, man! sabi ko di ako mag-eemo e..hehe!*}

hapi balentayms!


http://en.wikipedia.org/wiki/Love


No comments: