Thursday, March 4, 2010

CSL Packers 101: Mt.Cristobal (Overnight)

(mt.cristobal's "mini"-crater lake)

Latest News

Mt.Cristobal (Devil's Mountain) - (Dolores, Quezon, Feb. 27 - 28, 2010)

naimbitahan ako ni ace york ordoƱa (my fellow csl/osbing packers)para maki-join bilang guest climber sa practice climb ng BSP-MC (Bangko Sentral ng Pilipinas - Mountaineering Club). kasama pa namin si sir mar ng MFPI (Mountaineering Federation of the Philippines, Incorporated). astig! preparation nila para sa kanilang mt.pulag anniversary climb this april. exciting dahil first time kong maki-join sa isang mountaineering club. matagal na akong umaakyat ng bundok, pero di pa rin ako formal na member ng kahit anong mountaineering club or group, hehe! kaya na-experience ko ang medyo kakaibang logistics at culture sa nasabing climb.

ok ang climb, successful. humabol lang kami, ayos naman at inabutan namin yung naunang grupo. astig ng mga firefly sa campsite. kakamangha! ang romantic..hehe!

saya ng socials na medyo ginabi at medyo napa-ingay, hehe! {*sorry poh!*}

ang problema lang, wala akong dalang camera. kaya wala akong picture, hehe! tanging picture lang ng crater ang kuha ko gamit ang celphone. nakalimutan ko pang dalin yung phone ko nung nag-summit assault kami. kaya wala akong shot ng summit. waah!

na-experience ko rin ang mag-post-climb meeting na sa tingin ko ay dapat na gawin, lalo na kung naghahanda kayo para sa isang major climb. doon nyo mapag-uusapan ang mga bagay na nangyari sa climb. lalo na yung mga negative side para maiwasan ito sa susunod na climb.

mabuhay ang BSP-MC! astig kayo! next climb uli!

Lesson/s Learned:

- wag itali sa bag ang dalang basura habang bumababa ng bundok.
- ok pala ang "post-climb meeting", hehe..


No comments: