Thursday, May 27, 2010
mga banat ni mang kanor
sa isang liblib pero tipikal na kalye ng pilipinas naninirahan si mang kanor. norberto cardano ang tunay nyang pangalan. kung bakit sya binansagang "kanor" ay walang nakaka-alam. isa syang magaling na karpintero. maybahay nya si aling venus na isa namang manikyurista. maganda si aling venus, marami ngang nali-link sa kanya e. pero deadma lang si mang kanor sa isyu na yan. sigurado kasi syang mahal sya ng asawa. kung ang mga barbero ay may "kwentong-barbero", papahuli ba naman ang mga karpintero. meron din silang "kwentong-karpintero". di nyo alam yun 'noh?
masarap kausap si mang kanor. lalo na kung meron kayong patataubin na long neck na alak. simple lang din syang humirit, pero may laman. may kapupulutan ka pa ring aral sa mga banat nya kahit papaano. marami rin syang mga payo tungkol sa buhay, pera, pulitika, pag-ibig o kahit sa sex. may mga pagkakataon pa ngang napapatayo pa sya sa gitna ng inuman session at mangangaral na animo'y si padre damaso na nagsesermon sa mga deboto nya.
narito ang ilan sa mga banat nya:
"ang pag-ibig? {*hithit ng yosi! hinga ng malalim, sabay buga!*} parang sipon lang yan! {*hithit uli! buga habang nagsasalita!*} pag nakabara at nahihirapan ka ng huminga, isinga mo lang. {*inilagay ang isang kamay sa beywang!*} kasi 'pag pinabayaan mo yan, tutulo yan! kadiri! eeewwww!"
"napakadaling sabihin na mahal mo ang isang tao..pero napakahirap patunayan nito.."
"madaling magka-kotse..mahirap nga lang magkaroon ng pambili.."
"ang tunay na pagkalalake ay di nasusukat sa kung anuman ang meron ka dyan sa pagitan ng mga hita mo..nasusukat ito sa katatagan mong harapin ang mga suliranin sa buhay at gampanan ang tungkulin at responsibilidad mo sa iyong minamahal.."
"sabi ni bob ong, "huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.", e paano kung ayaw magpahawak? hahawakan mo pa ba? "
"kung gusto mo ng pagbabago, kumilos ka! hindi kikilos ang pagbabago para sa'yo."
"kung mahal mo ang isang tao, ipakita mo. iparamdam mo, ipaglaban mo. walang mangyayari sa'yo kung magmumukmok ka dyan at mag-e-emo!"
"simple lang ang rason kung bakit di umuunlad ang pilipinas. karamihan kasi sa atin hindi alam ang sariling pagkakakilanlan at ang masakit pa, madaming itinatanggi o ikinakahiya ang pagiging pilipino nya."
"napakasimple lang ng buhay..kaya wag nating gawing komplikado."
"ang mga naka-inom at lasing ang maituturing na mga totoong tao. dahil pag lasing ka, hinuhubad mo ang maskarang pilit pinapasuot sa'yo ng lipunan araw-araw."
more to come..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
This is great! :))
thanks..:)
Post a Comment