Thursday, December 6, 2012
isang pagkukumpara sa alkansya
parang alkansya lang yan..
hinuhulugan at pupunuin mo ng barya..
paunti-unti..
minsan ang dami mong ihuhulog na barya..
minsan ang dalas mong hulugan..
minsan naman nakakalimutan..
pero bumabawi ka at huhulugan mo sya..
pambawi ba sa mga araw na nakalimutan mo sya..
tapos inaasam mo ang araw na mapupuno na sya..
iniisip mo ang mga bagay na pwede mong bilhin pag binuksan mo na..
mga bagay na ang katumbas ay ang halagang pinagtyagaan mong ipunin at pinagsikapang pinaghandaan..
nung binuksan mo na sya..
tuwang-tuwa ka sa dami ng mga barya na nagkasya sa kanya..
ang daming mga piso at limang pisong barya..
may mga sampung piso pa na malaki ang halaga..
nasisilaw ka sa dami ng barya..
musika ang tunog ng mga barya nung binuhos mo na sila..
wala kang tinira..
pinagmasdan mong maigi ang tumpok ng barya..
di mo matandaan o di mo na mabilang kung magkano na ba ang halagang naipon mo ng matagal na panahon..
saka mo maiisip..
wala na pala yung gusto mong bilhin..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment