Wednesday, May 15, 2013

don't chase..replace!



una kong nabasa ang statement na yan na nakatatak sa t-shirt ng isa kong officemate. pina-uso at pinasikat yan ng mga astig na host ng boys night out (tony, slick, sam, ramon bautista) ng magic 89.9 sa radyo. ang angas ng statement na yan di ba? mayabang? sigurado yun, pilantik sa tenga pag narinig mong binitiwan ninuman ang statement na yan. yung tipong may bahid pa ng pagmamalaki na, "kung ayaw mo, huwag mo!".

the truth..
di lahat ng relasyon ay laging happy ending, sa disney (disney..disney) lang nangyayari yun. masakit ang ilang katotohanan ng buhay. nagmamahal tayo, papasok sa relasyon, magbabago, may makikipaghiwalay, may masasakatan. may maghahabol? ang tanong, kailan mo dapat habulin ang taong mahal mo? kailan mo dapat ipaglaban ang nararamdaman mo? kung meron ka mang dapat ipaglaban.

ang malanding "habulin mo'ko!.."
ok lang siguro na habulin mo ang minamahal mo, pero isang beses lang. o sige dalawa. pero hanggang doon na lang yun. sana. sapat na yun na nagpakita ka ng angas o ng tapang, gumastos at nagsayang ng oras para ipamukha ang nararamdaman mo, na nag-exist ang feelings na yun. tama na yun. sabi nga ng pamosong kanta, "i did my best..but i guess my best wasn't good enough..". ang tendency kasi, pag masyado mong hinabol ang taong mahal mo, nakakagawa ka ng mga bagay na magmumukha ka lang tanga at martir. sulsol yan ng idea na magkakabalikan pa kayo, e sa una pa nga lang ayaw na sa'yo di ba. kaya huwag ka ng makulit at mangulit, ok.

learn to let go..
napakadaling sabihin nito, pero isa sa pinakamahirap gawin. kailan ba dapat mag-let go? for example, kung ikaw ay isang guy na manlalandi ng chicks, gamitin mo yung "the 2 landi attempt point system" (saka ko na ipapaliwanag ang hiwaga sa likod ng sistemang yan.) landiin mo lang si girlie ng hanggang 2 beses at pag di pa rin nag-reciprocate, move on. maghanap ka na ng ibang lalandiin, ganon lang kasimple yun. applicable din yan sa mga mga-jowa na medyo nagkakalabuan na at may naghahabol na. tantyahin mo ang sitwasyon at yung mga nangyari, tapos tanungin mo ang sarili mo, "ano bang mapapala ko dito?". pag tingin mo sa sarili mo na "you had enough", yun na. tama na. move on. isipin mo lang na may mga bagay na worth it ipaglaban.

self-respect..
sabi nung chick na naka-inuman ko, "respeto sa sarili" ang ibig sabihin ng maangas na statement na yan. tama sya, wag mong hayaang gumawa ka ng mga bagay na ikakasira ng buhay mo o ikakababa ng yung dignidad sa paghabol sa kanya. ang idea, wag mong ipagsisikan ang sarili mo sa taong ayaw na sa'yo. kung gusto ka pa rin nyan, kusa yang magbibigay ng lugar sa puso at buhay nya para sa'yo. di mo kailangang ipagpilitan yun.

tandaan, na ang pagsuko ay di laging nangangahulugan na mahina o duwag ka. ipinakita mo lang na ganon ka katapang para mag-let go.


*photo credits to http://multiply.com/bnotees


2 comments:

Pink and Stray said...

Gustong gusto ko ang mga last statements.. Ang galing ng piece na ito. Well-said!!!

akosiapol said...

yun o..naka-relate..hehe..:P
thanks! ;)