Thursday, July 24, 2008

making out


nagsisiksikan sa kakarampot na sofa

hindi iniisip kung anong oras na ba
sinasamantala ang napakaikling sandali
nakatagilid, nakasandal ka sa aking harapan
aking dibdib at kaliwang kamay ang ginagawang unan
hindi mapakali ang mapanuri kong kanang kamay
kinakapa ang kurba ng iyong bewang
ng iyong balakang, ng iyong likuran
kay lambot, kay kinis ng iyong mga hita
kay bango ng iyong buhok, ng iyong batok
ng iyong leeg, ng iyong hininga
kay lambot, kay tamis ng iyong labi
kay likot ng iyong dila
napapasinghap at di makahinga
sa pagnamnam ng kakarampot
at kay ramot na sandali..


No comments: