Wednesday, July 9, 2008

Si Jabcy the Gingerbread Girl at ang Big Bad Wolf

noong unang panahon sa Di-Kalayuang-Kaharian ay may isang maliit na gingerbread na nagngangalang jabcy. napakatahimik ng kanyang buhay, wala siyang ginagawa buong maghapon kungdi kumain ng kumain ng leche flan. paborito nya ang leche flan, hindi ko alam kung bakit. at hindi nya rin alam kung bakit. basta ang alam lang niya ay kumain ng kumain ng leche flan.

lumipas ang mga araw, tuloy pa rin si jabcy the Gingerbread Girl sa pagkain ng leche flan. hindi nya namalayan na lumaki na pala sya ng lumaki. dati kasing laki lang sya ng cookie mold, sa konting panahon lang ay mas lumaki na sya kaysa sa oven. tapos ng mga sumunod pang mga araw ay kasing laki na sya ng dough processing equipment. at nung sumunod pang mga araw, ay naging kasing laki na sya ng buong bakery. grabe! nagrereklamo na tuloy yung baker boy na nagluto sa kanya. dahil di na sya makapag-bake, lagi kasing nakahambalang ang malalaking binti ni jabcy sa loob at labas ng bakery.

nung isang araw, lunes yata yon o martes. pero malamang linggo, ay may dumating na isang maangas at barubal na Big Bad Wolf sa Di-Kalayuang-Kaharian. pero wag kayong matakot, dahil di sya kumakain ng kung ano-ano lang. pihikan sya. mas trip nya ang mangulit at manggulo lang. nariyang pagpapalitin nya ng port ang keyboard at mouse ng computer mo, lalagyan nya ng thumbtacks ang lamesa mo sa office para pag kinausap ka ng boss mo at inilapat ang palad sa lamesa ay ayun na, aray! minsan, pagpapalitin nya ang label ng asukal at asin sa pantry, pareho kasi ng lalagyanan eh at kung anu-ano pa. lagi nya rin palang pinag-tritripan ang 3 blind mice. yon, ganon lang ang mga trip ni Big Bad Wolf.

to be continued...

continuation (click here)

No comments: