Thursday, September 18, 2008

Chapter III: Si Jabcy the Gingerbread Girl at ang Big Bad Wolf


Nang mga sandaling yon, nag-uumpisa namang magtipon-tipon ang mga mamamayan ng Di-Kalayuang-Kaharian sa paligid ng bakery. Galit na galit sila, nagsisigawan at may hawak pang mga "placards". Sigaw nila, "Tama na! Sobra na! Abala na!", sabay turo kay Jabcy. Inerereklamo na nila ang napakalaki ng si Jabcy na halos masakop na ang dalawang block sa paligid ng bakery. "Hmp! Di na kami makapaglaro ng badminton sa court dahil nakabalandra doon ang ga-troso na braso ni Jabcy!", rekalamo ng Three Blind Mice. "Oo nga! Oo nga! Di na ako makapag-practice ng mga new tricks sa skateboard!", hirit ni Humpty Dumpty. "Paano ba naman, ginagawa nyang higaan ang buong skate park kapag hapon para makapag-siesta.", dagdag pa niya. At lalo lang nagngitngit sa galit ang mga mamamayan ng Di-Kalayuang Kaharian sa hinirit ng mga damuho. "Tama na! Sobra na! Itaboy sa kagubatan si Jabcy!" Sa gulat at dala na rin ng kainosentehan, natigilan si Jabcy sa pagkain ng leche flan. Nang akma na siyang huhulihin ng mga mamamayan ay napaatras si Jabcy, napatid sya ng gym at nawalan sya ng balanse at tuluyan na syang bumagsak. Durog ang buong gym ng madaganan ng napakalaki ng si Jabcy at nawalan na sya ng malay. Lalo lang nagngitngit ang mga tao sa galit, "O kita nyo na, mapanira ng ang higanteng ito, dapat na talaga syang itapon sa kagubatan!" "TAMA!", sigaw ng lahat in chorus. At kumuha na nga ng lubid ang mga mamamayan ng DKK (DKK = Di-Kalayuang-Kaharian) , itatali na nila si Jabcy para buhatin ng sampung tower crane para itapon sa gubat.


Nang biglang may dumating na mula sa kung saan na kasing bilis ng kidlat. Zoooommmmm.....! Nagulat at natakot ang lahat, "Oh my gosh! The dreaded Big Bad Wolf!", sambit at sabay nahimatay ang coƱong si Snow White. "Naku, uwi na tayo(takot)!" sabi ng karamihan.
Natawa si Big Bad Wolf, "Cool lang kayo mga repapips! Di ko kayo kakainin, I'm on a diet! Curious lang ako sa bagay na ito!", sabay usisa at amoy sa wala pa ring malay na si Jabcy. "Hmmm...! Gingerbread! Not bad! Ano ang gagawin nyo sa kanya?", tanong ng lobo. "Haa...! (Nginig) I-itatapon sana namin sya sa gubat!", sagot nung isang magsasaka. "Ganon! Ganon ba kayaman ang mga tao sa kahariang ito para itapon ang ganito kalaking pagkain.", pabalang na sagot. "A, eh masyado na kasi syang malaki at lumalaki pa, baka kasi masira ang aming kaharian.", sagot ng isang guard. "K-kung gusto mo sa'yo na lang sya!", mungkahi ng baker boy na nagbake sa kanya (wala talagang kwenta ang baker boy na to!). "Oo nga!", pagsang-ayon ng lahat. "Heh! Kahit di nyo naman siya ibigay sa akin ay pwersahan ko pa rin syang kukunin, hehe! Ako yata ang kinatatakutang Big-Bad-Wolf!", pagmamayabang pa nya. Pero sa isip nya, "Curios kasi ako sa lasa ng gingerbread, yun lang, hehe!". "Kaya umalis na kayo sa aking harapan bago ko pa tikman ang makukunat nyong laman, bwahahaha!", at sa sinabing iyon ng lobo ay nag-hysterical ang mga tao at nagtakbuhan palayo. "Nanay ko poh......!", sigaw ng lahat. "Sige, iyong-iyo na sya!", pahabol pa nila. Natawa na lang ang barubal na lobo, "Hehe! Iba na talaga pag kinatatakutan! Instant chibog, hehe!", at sinimulan na nyang buhatin ang wala pa ring malay(hayyy.. talaga yatang nakatulog na ang hitad!) na si Jabcy. Nang binubuhat na nya si Jabcy, "Pu-tek! Ang bigat pala nito! Hmmmmmmppppppp...(buhat)!", at binuhos ni Big Bad Wolf ang lahat ng kanyang lakas para lang mabuhat si Jabcy. Dali syang kumaripas ng takbo patungo sa kanyang pad, ang Big Bad Wolves Den.

to be continued...

continuation (click here)


No comments: