Tuesday, September 30, 2008
Punk Zappa (Marcus Adoro - Eraserheads)
OY! I’M PUNK ZAPPA AND MY HOBBIES ARE! LISTENING TO RADIO READING DA SONG HITS AND EATING B-BLOODY PISHBOLS! TAPOS MANONOOD KAMI NG UNDERGROUND CONCERTS KAHIT DI UNDERGROUND BASTA MAINGAY ACHAKA GRUNGE TAPOS DI AKO MAGDADRUGS DAPAT WALANG AMATS DIBA TAS TITINGGILIN KO YUNG T-SHIRT KO PARA MAKITA NILA YUNG YUNG TATO KO ACHAKA YUNG HIKAW KO TAPOS MAGHEHEADBANG AKO ACHAKA SYEMPRE MAGBABACKSTAGE STEP AKO sana wala dun si dennis AY HINDE AAKYAT NA LANG AKO NG FLAGPOL TAPOS DUN AKO TATALON SYEMPRE SASALUHIN AKO NI KART GINAWA YUN NI EYDI BEYDER DIBA TAPOS PAG NEYGATIB YUNG VAKALIST SYEMPRE PAPATAYIN KO SYA PARA MAY MAKWENTO AKO KAY LOLA SHET! NAKAY LOLA PA YUNG TEYP KO NG PANTEYRA hi lola TAPOS PAG PAGOD NA KONG MAGHEADBANG MAGSLAM DANCE PA RIN AKO SA GITNA NG SLAM PIT TAPOS MAGYOYOSI AKO TAPOS SYEMPRE DAPAT PEACE LANG TOL DIBA DAPAT HINDI AKO MAPRANENG MAPRANENG MAPRANENG TAPOS PAG TAPOS NA YUNG CONCERT SYEMPRE UWI NA KO TAS PAG NASA BAHAY NA KO MANONOOD NA KO NG HOUSE OP NOISE CHANNEL B! WAW IDOL YUN PARE HI-TECH SAMPUNG ORAS PURO NOISE! TAPOS MAGAARAL AKONG MAGGITARA! TAPOS BIBILI AKO NG TYKOBRAYDERINTERGALACTICMOTIONSETTERTECHNOGADGET!TAPOS BUBUUIN KO NA YUNG DI ARMPIT BAND TAPOS GAGAWA KAMI NG ORIGINAL KUMPOSITION GANTO: DYEN-DYEN-DEN-DYEN DYEREREN-DYEN-DYEN TAPOS DOUBLE TIME DYEN!TAPOS PLAY TAPOS IPAPADALA NAMIN SA RADYO YUNG DEMO TAPOS TAPOS SYEMPRE MAGNANUMBER THREE NA KAMI SA COUNTDOWN TAPOS BEBENTA KAMI NG ORIGINAL COMPOSITION NG PAYB TAWSAN PEYSOS PARA SA COMPILATION NAME DIGISKASBARJIBABARANDASPOPOROJI KILALA NYO SYA TAPOS SYEMPRE MAGNANUMBER ONE NA KAME TAPOS DI BALE IRERELEASE NA KAME SA MAJOR LABEL TAPOS MAGTU-TOUR NA KAME SA BUONG PILIPINAS SA BUONG PILIPINA TAPOS SYEMPRE KUKUNIN NA KAMI SA MGA commercials, ganon TAPOS KAPAG DUMATING NA YUNG MGA ROYALTIES MADAENG MADAE NA KONG PERA TAPOS BIBILI AKO NAG TIG-TU-TWO NA KOTSE TAPOS CHAKA SYEMPRE DI BIBILI NA KO NG MGA SUSUNOD PANG ALBUM NG NIRBANA SHET TRAPIK NANAMAN SA EDSA! AH Bili na lang kaya ako ng bag sa jumaliteyk mukhang mas jupengpeng yung yellowgreenred NA BROWNIES RASTA NGAROD MANONG! PAK padreadlocks na lang kaya ako? magmanage kaya ako ng banda? magtayo ng studio? haaahhh
AMEN?
AMEN!
GUSTO NYO?
AMEN!
TYAK YAN!
AMEN!
Thursday, September 18, 2008
Chapter III: Si Jabcy the Gingerbread Girl at ang Big Bad Wolf
Nang mga sandaling yon, nag-uumpisa namang magtipon-tipon ang mga mamamayan ng Di-Kalayuang-Kaharian sa paligid ng bakery. Galit na galit sila, nagsisigawan at may hawak pang mga "placards". Sigaw nila, "Tama na! Sobra na! Abala na!", sabay turo kay Jabcy. Inerereklamo na nila ang napakalaki ng si Jabcy na halos masakop na ang dalawang block sa paligid ng bakery. "Hmp! Di na kami makapaglaro ng badminton sa court dahil nakabalandra doon ang ga-troso na braso ni Jabcy!", rekalamo ng Three Blind Mice. "Oo nga! Oo nga! Di na ako makapag-practice ng mga new tricks sa skateboard!", hirit ni Humpty Dumpty. "Paano ba naman, ginagawa nyang higaan ang buong skate park kapag hapon para makapag-siesta.", dagdag pa niya. At lalo lang nagngitngit sa galit ang mga mamamayan ng Di-Kalayuang Kaharian sa hinirit ng mga damuho. "Tama na! Sobra na! Itaboy sa kagubatan si Jabcy!" Sa gulat at dala na rin ng kainosentehan, natigilan si Jabcy sa pagkain ng leche flan. Nang akma na siyang huhulihin ng mga mamamayan ay napaatras si Jabcy, napatid sya ng gym at nawalan sya ng balanse at tuluyan na syang bumagsak. Durog ang buong gym ng madaganan ng napakalaki ng si Jabcy at nawalan na sya ng malay. Lalo lang nagngitngit ang mga tao sa galit, "O kita nyo na, mapanira ng ang higanteng ito, dapat na talaga syang itapon sa kagubatan!" "TAMA!", sigaw ng lahat in chorus. At kumuha na nga ng lubid ang mga mamamayan ng DKK (DKK = Di-Kalayuang-Kaharian) , itatali na nila si Jabcy para buhatin ng sampung tower crane para itapon sa gubat.
Nang biglang may dumating na mula sa kung saan na kasing bilis ng kidlat. Zoooommmmm.....! Nagulat at natakot ang lahat, "Oh my gosh! The dreaded Big Bad Wolf!", sambit at sabay nahimatay ang coƱong si Snow White. "Naku, uwi na tayo(takot)!" sabi ng karamihan. Natawa si Big Bad Wolf, "Cool lang kayo mga repapips! Di ko kayo kakainin, I'm on a diet! Curious lang ako sa bagay na ito!", sabay usisa at amoy sa wala pa ring malay na si Jabcy. "Hmmm...! Gingerbread! Not bad! Ano ang gagawin nyo sa kanya?", tanong ng lobo. "Haa...! (Nginig) I-itatapon sana namin sya sa gubat!", sagot nung isang magsasaka. "Ganon! Ganon ba kayaman ang mga tao sa kahariang ito para itapon ang ganito kalaking pagkain.", pabalang na sagot. "A, eh masyado na kasi syang malaki at lumalaki pa, baka kasi masira ang aming kaharian.", sagot ng isang guard. "K-kung gusto mo sa'yo na lang sya!", mungkahi ng baker boy na nagbake sa kanya (wala talagang kwenta ang baker boy na to!). "Oo nga!", pagsang-ayon ng lahat. "Heh! Kahit di nyo naman siya ibigay sa akin ay pwersahan ko pa rin syang kukunin, hehe! Ako yata ang kinatatakutang Big-Bad-Wolf!", pagmamayabang pa nya. Pero sa isip nya, "Curios kasi ako sa lasa ng gingerbread, yun lang, hehe!". "Kaya umalis na kayo sa aking harapan bago ko pa tikman ang makukunat nyong laman, bwahahaha!", at sa sinabing iyon ng lobo ay nag-hysterical ang mga tao at nagtakbuhan palayo. "Nanay ko poh......!", sigaw ng lahat. "Sige, iyong-iyo na sya!", pahabol pa nila. Natawa na lang ang barubal na lobo, "Hehe! Iba na talaga pag kinatatakutan! Instant chibog, hehe!", at sinimulan na nyang buhatin ang wala pa ring malay(hayyy.. talaga yatang nakatulog na ang hitad!) na si Jabcy. Nang binubuhat na nya si Jabcy, "Pu-tek! Ang bigat pala nito! Hmmmmmmppppppp...(buhat)!", at binuhos ni Big Bad Wolf ang lahat ng kanyang lakas para lang mabuhat si Jabcy. Dali syang kumaripas ng takbo patungo sa kanyang pad, ang Big Bad Wolves Den.
to be continued...
continuation (click here)
Tuesday, September 16, 2008
iskolar kuno ng bayan
late na’ko
may exam pa naman
dehins na mamamatok
sabit na sa bulok
di pa rin tapos ang LRT 2
ang traffic sa EDSA
ang baho na ng Aurora
nagkalat ang mga buraot,
pirata, holdaper, snatcher, fixer,
pokpok, tindera, dispatcher
‘tang-ina, nalaslas ang bag ko
ang iingay ng mga kupal na
tawag-boys sa Stop and Shop
nagkakarerahan
ang mga estudyante sa Teresa
“late na kayo!”, sabi ng tren
yosi muna habang papasok sa campus
“hoy, ID mo!”, sabi ng guard
ka-asar na prof
self-study na naman
puyatan sa thesis
overnight kina crushmate
“pare, tagay mo!”, sabi ng class president
ubos na naman ang allowance
“man, pautang nga!”
tambay sa cubicle
sa lobby o sa lagoon kaya
putres, nagkalat ang condom
sa corridor na lang
dinadaliri ang cellphone
“tama na!”, sabi ng nagrarally
nag-uunahan ang checker at prof
nanalo ang checker, uwian na
ang sakit na ng puson
purgang-purga na ako sa pancit canton
“window-shopping”
kabisado ko na ang SM
nilasing na ng ginpomelo
hinilo na ng Marlboro
‘yung lights ha
wala pa ring girlfriend
manliligaw na ba ako
kabisado ko na ang
lovelife na kaklase ko
kabisado ko na ang himno ng peyups
sa wakas, gagraduate na ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)