Thursday, August 27, 2009

shoot me down again


silence,
like a whisper
maybe tomorrow it won´t be here
so tomorrow we could teach them some new styles
you're such a killer
so shoot me down again
it won't hurt when the killing's done by a friend


747 - kent


Monday, August 17, 2009

halina ng aurora (boulevard) - part 2



saturday, 07.11.2009

maaga akong gumising at hinarap ang gabundok kong labahin. may munti kasi kaming reunion ng mga astig at mahal kong ka-osbing sa malaking bahay sa bacood (manila). double-birthday celebration ni siopletz at beplog. sinadya kong magpa-late. medyo madilim na ng umalis ako ng san mateo. at sa kauna-unahang pagkakataon, nauna si bry (at girlfriend nyang si jhei) sa akin. hehe! medyo nakompleto rin kaming mga miyembro ng osbing-gang. nakita ko yung mga ka-tropa ko nung college na halos ilang taon ko ring di nakita. kamustahan, batian, balitaan, kwentuhan, kulitan,
inuman at nalasing kasama ang mga astig kong ka-osbing at ka-packers.

naunang umuwi sila bry, ihahatid nya pa kasi si jhei sa valenzuela. nag-text sya sa akin nung pauwi na kami na itago ko raw muna yung payong ni jhei na naiwan kila bep. wow color red (payong), hehe! kasabay ko si allan pauwi, buti naman at hinatid kami ni syok kahit hanggang sta.mesa lang. sakay kami ni allan ng jeep pa-cubao. putek! nahihilo talaga ako (dala ng kalasingan). bumaba kami pagdating sa aurora sa tapat ng gateway mall sa ilalaim ng LRT 2 cubao station. agad nakasakay ng jeep si allan pa-project 4. naglakad ako papunta sa goldilocks kung nasaan yung terminal-KUNO ng mga FX na biyaheng san mateo-montalban.

nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. mabilis akong sumilong sa gilid ng sidewalk. marami rin kaming sumilong sa gilid ng goldilocks. putek! walang fx..hala..! mukhang mapapatambay pa ako ng matagal dito ah. sa di kalayuan, ay may umpukan ng mga kababaihan. sigurado, mga bugaw at prostitutes yon. biglang lumapit sa akin yung isang babae na sa tingin ko ay nasa late 30's nya na. tingin ko rin, sya yung pinakamatanda sa umpukan ng mga babae na yon. lumapit sya sa akin sabay sabing, "bossing! babae gusto mo?", sabay turo dun sa mga kasama nya. "murang-mura lang! 350 lang! batang-bata pa ang mga yan!", pamboboka pa nya. "ha...!", nasabi ko na lang sabay ngiti. agad bumawi ng banat yung babae, "o kung gusto mo ako na lang..300 lang..!", ang sabi nya na talagang nagpabuwal sa akin. sa isip-isip ko, "ate, tigang ka na ah..hehe! talagang singkwenta pesos lang ang difference mo sa mga batang prosti ha!", di ko kinaya yung banat nyang yon. "hindi ate.", sabi ko, "wala akong pera e.", palusot ko na lang. tuloy pa rin sya sa pagse-sales talk, sa pagbabakasakali pa rin na pumayag ako. "panalo yang mga bata ko, bossing! sulit na sulit! galing gumiling!", mga hirit pa nya. naglakad na lang ako palayo. kahit umuulan, tumawid ako sa kabilang block para di na ako kulitin ni ate na bugaw/prosti.

nabasa na talaga ako sa lakas ng ulan. at saka ko lang naalala na meron pala akong payong, courtesy of bry. nak ng..!


photo by: Dennis Villegas



Sunday, August 16, 2009

rocked to death


04.23.2003

bad trip ang mapanirang
lighter ni syok
sinunog ang bigote at
balbas kong napag-iwanan
na ng panahon
sa pagsindi sa sigarilyo
ni bep na unti-unting
pumapatay sa durog ko
ng puso na nilunod pa ng
mataas na tagay ng
alak ni bry
samahan pa ng mga
pang-aalaska ni jobabs
allan, daweng, ni dee,
ni siopletz, ni jaime
at ng iba pa
sa saliw ng musika ng
gitara ni mark
at sa takatak ng
tambol ni erick
gem, kumanta ka na
hoy erwin, wag kang susuka
naku, naku, naku
ang kulit mo yeh...
"magigising din yan!",
sabi ni jetlog
salamat ate erin
tang-ina!
hindi na'ko iiyak
hindi na...


original post: http://groups.yahoo.com/group/osbing-gang/message/735


Friday, August 7, 2009

Payong Kaibigan Lang...!!!


"Payong Kaibigan Lang!!!"
-apol (04.21.2003)

1. Wag magyoyosi!
kasi magastos, bad sa health, mahirap mag-quit!

2. Pwedeng uminom!
pero konti lang! maganda sa puso ang alak, lalo na yung red wine!
pero kung gusto mong magpakalasing, bahala ka!

3. Gumamit ng mahiwagang lobo pag magkakape!
masakit kasi sa puson pag nahawahan ka! tsaka baka iba pa ang
lumobo, mahirap na! sabit...!!!

4. Wag magda-drugs!
Matanda na kayo, alam nyo na ang tama at mali! di baleng magyosi at uminom, basta wag lang talaga ang drugs! say no to drugs!!!

5. Wag magsusugal
same as above!

6. Mag-ingat sa holdaper!
di baleng maparanoid kapag nakasakay sa jeep! maniwala sa kutob! the best pa rin ang sumakay sa PATOK!

7. Wag mag-anticipate at umasa!
kasi kadalasan hindi nangyayari ang mga inaasahan nating mangyari! so nababad-trip ka lang!

8. Wag gumawa ng balak!
kasi di natutupad! proven na yan, lalo na sa atin (osbing-gang)!

9. Okey lang ma-in love!
basta siguraduhin mo lang na hindi ka nagmumukang TANGA!

10. Maghanap ka na ng trabaho!
kasi gagraduate ka na! tsaka nagagalit na ang nanay mo e!


ayus...???

Sunday, August 2, 2009

halina ng aurora (boulevard)


friday, 07.10.2009 ..

medyo ginabi na ng uwi dahil sa mumunting inuman namin ng mga ka-opisina ko na kiniliti lamang ang aking bahay-alak..hehe! nung nasa metropolis(alabang) na ako, sabi ko, "di na siguro trapik nyan. magte-ten (pm) na eh.". di ako nagdilang-anghel, halos abutin ako ng isang oras sa SLEX(read as HELL) dahil sa bigat ng trapik. lecheng skyway construction project na yan! di na ako bumaba ng magallanes sa pag-aalalang wala ng biyahe ang MRT. diretso na ako ng cubao. ang bigat ng trapik pa-ayala, putek! ang bigat rin ng trapik pa-crossing, nak ng..! waaahhh...! tang-ina, nasa edsa pala ako! pakonswelo na ang ortigas. tama lang ang daloy ng mga sasakyan hanggang santolan. buti naman!

pagdating sa kanto ng p.tuazon at edsa, di na gumalaw ang bus na sinasakyan ko. lumipas ang 10 minutes. di pa rin gumalaw. 20 minutes., grrr..nauubos na pasensiya ko. 25 minutes, nagsalita yung kundoktor, "yung mga cubao dyan, maglakad na lang. iilalim na kami(may underpass kasi sa intersection ng edsa at aurora)". sumagot ako ng pabalang, "iilalim pala kayo, di nyo pa naisip kanina!", sabi ko. di ako asar sa kundoktor o maski na sa biglaan nilang pagdedesisyon na sa ilalim na lang dumaan. sabihin na lang natin na pinagbuntunan ko lang sila ng inis na kanina pa nangungulit sa kukote ko. bumaba ako ng bus at inumpisahan ang paglalakad mula p.tuazon hanggang aurora na sa tantya-meter ko ay mahigit isang kilometro rin. marami rin kaming mas pinili na lang maglakad. ang iingay ng mga bus, sagutan sila ng sagutan ng busina. nakakaturete! "tang-ina nyo!", nasambit ko na lang sabay bato ng pamosong gitnang daliri sa kanila. ano bang meron sa edsa ngayong araw ng biyernes sa dis-oras na ng gabi (11:43pm to be exact).

narating ko rin ang aurora blvd. after 10 minutes siguro ng paglalakad. naiihi ako. buti may urinal sa ilalim nung pink na footbridge ng mmda. dali akong pumasok para umihi. shit! umaapaw na sa ihi yung improvised-urinal na tubo. tumatalsik na sa laylayan ng pantalon at sapatos ko. nak ng..! ok lang, kesa naman magkasakit ako sa bato.

buti naman at may naghihintay na fx sa may goldilocks na biyaheng montalban (rizal) na mapupuno na rin so di na ako gaanong maghihintay ng matagal. dali-dali akong sumakay. madaling napuno. agad pinaandar nung driver ang sasakyan. nang biglang may nagbububusina ng pagkalakas-lakas mula sa likuran. isang kulay orange na "pimped-SUV", may mataas na suspension, astig na rim at kung anu-ano pang abubot. di ko nga lang natandaan yung plate number. panay ang busina nya sa fx na sinasakyan ko. oo medyo nakaharang sya(fx) sa kalyeng iyon, pero ga-sino lang naman yung dumaan sya sa medyo gitnang lane (four lane ang street na yon sa palagay ko e). sige busina, busina. nakakairita na. parang gusto nya yatang ipamukha sa driver ng FX na, "HOY! Nakaharang yung fx mo! dadaan ang maganda kong SUV!". dali-daling pinaabante ng driver yung fx at kumanan sa aurora (pa-marikina), alam nya rin kasing nakaharang sya sa kalsada at ginawa nya itong terminal. sumunod yung SUV na tuloy pa rin sa pagbusina. umakmang o-overtake. pero, ginitgit nya yung fx na sinasakyan ko. biglang napakabig pa-iwas pakanan yung driver namin, napasigaw yung mga sakay na babaeng pasahero, "ay! ano ba yan..!". ginitgit uli kami nung SUV, na animo'y mobile car ng pulis na pinapahinto ang aming sasakyan, o talagang babanggain nya na ito para lang sumadsad sa gutter.

huminto kami. huminto rin yung mayabang na SUV. lumabas yung driver. putek! may hawak na stainless na 9mm na baril. tinutok nya sa driver namin at nagsisigaw, "tang-ina ka! bumaba ka dyan!" sumagot yung driver namin, "sira itong pinto, di bumubukas!". "bumaba ka dyan!", sabi ulit nung maangas na mama sabay kalabog sa pinto ng fx. "Blag!", malakas. di pa rin binuksan nung fx driver, listo na sya sa kung ano mang gawin ng war freak na 'to. tama rin yung naisip nyang wag ng bumaba, dahil siguradong bubugbugin sya ng gagong 'to. "ang yabang naman ng hayup na 'to..!", nasabi ko na lang. hindi naman sya mukhang pulis o sundalo, pero isa lang ang sigurado. KUPAL sya! bumusina yung mga sasakyan sa likod. nakakaabala na pala yung mga sasakyan namin. agad bumalik sa SUV yung mayabang na mama. sabay harurot sa aurora, pa-marikina. "tang-ina ka! mabangga ko sana!", sabi ko.

bakit ba may mga taong tulad nyo? nagkaroon lang ng baril, akala mo kung sino na. maagang mamamatay yung mga tulad nyo!


karugtong..