Friday, February 6, 2009

ang huling french fries...

ang galing din ng naka-isip ng bagong commercial ng Mcdo, gamitin ang kanta ng eraserheads na "Huling El Bimbo" para soundtrack. medyo napapanahon, dahil mainit pa rin sila dahil sa reunion concert nila last year na muntik ng ikamatay ni ely b. at may "final set" pa sila this coming march. lakas talagang kumita ng mga pare ko, hehe.

last, last friday yata yun, habang nagkakasarapan ang tropa sa inuming gin pineapple ay napagtripan kong mag-gitara. may nirepair kasi akong gitara, sa pinsan ko. so yun, kanta, shot, pulutan, yosi. nang biglang humirit yung kakosa ko na e'heads naman daw ang kantahin namin, "ang huling el bimbo" agad ang unang pumasok sa isip ko at tinugtog. "kamukha mo si paraluman...", banat namin. sige kanta, kanta. nang umabot na kami sa chorus (as usual yun lang naman ang kabisado ng karamihan e, hehe!), kanta kaming lahat, sabay-sabay, biglang naki-kanta sa amin ang mga batang (ages 2 - 10 yata yung mga yon) naglalaro sa street namin. aba! at ang dalawa kong kulitog na pamangkin ay nandoon rin pala (namely: louriz at sofia). lapitan sila sa amin at nakigulo na rin, na para bang ang nasa isip e, "alam pala ng mga lasenggerong 'to na kantahin yung sountrack ng paborito kong fastfood commercial!". at ng ulitin namin uli yung chorus e, kanta na naman sila, mas malakas, sinapawan na kami. so naggitara na lang ako at ang mga bata na lang ang pinakanta ko.

wala lang. nakakatuwa lang at alam nila yung chorus ng "huling el bimbo", pero di nila kilala ang eraserheads. pero isa lang ang ibig sabihin nun, di man nila kilala kung sino ang nagpasikat ng kantang yun, naramdaman nila ang mapanghuli ng kiliti na melody at lyrics sa mga kanta ng eheads. mababaw, pangmasa, kaya madaling masasapul ang karamihang pinoy. idagdag mo pa na ang mga nabaliw (sa kantang yon) nung mga panahong sumikat ang "huling el bimbo" (mid 90's) ay malamang tatay at nanay ng mga batang ito. so malamang makakarelate at magkakaintindihan ang mga mag-tatay at mag-nanay kapag napanood nila ang commercial ng mcdo. sila ang may buying power(parents) na galing sa age bracket na laki sa tunog ng eheads so nasapul talaga ang target market ng commercial na yun. ayuz! pera na naman!

(sa jolibee pala yung picture na yan, hehe!)


No comments: