Wednesday, February 25, 2009
Mt.Sembrano Challenge (Feb.21 - 22)
preparation
- 4 months ko tong inasam at 2 weeks ko itong pinaghandaan. actually, last year pa nga namin napag-uusapan at pinaplano ito ni bryan. ilang beses ring naudlot last year, buti na lang at natuloy rin. kasama namin yung photo club nila erick at bidol. halos newbie ang karamihan sa kanila kaya medyo mabagal dapat ang pacing namin.
eto ang mga nangyari sa climb:
feb 20
- umuwi ng maaga from office to san mateo dala na ang lahat ng gamit
- may nag-tip kay erick na marami ang aakyat. so nagplano kami na may advance party na dapat mauna sa summit para di maubusan ng pwesto.
feb. 21
4:00 am - gumising, last preparation
5:30 am - dumating sa assembly area, jollibee edsa central along shaw blvd. tapat ng shangri-la.
8:30 am - ang tagal naming naghintay na mapuno yung jeep. naunahan tuloy kami ng grupo nila bidol bago umalis yung jeep bound to tanay market.
10:00 am - arrival sa tanay market, bili ng kung ano-ano pang kailangan sa bundok. tapos sumakay ng tricycle papuntang brgy malaya, pililla.
10:30 am - arrival sa Malaya barangay hall, registration, briefing at bayad ng reg fee na Php20(dati 10 lang yon).
11:00 am - (1st phase ng climb) jump off, start na ng trek, sementado na ng ilang metro yung dating rough road, dati mabato doon e.
11:05 am - nadaanan namin ang grupo nila bidol na nagpapahinga sa isang bahay ng lokal doon.
11:15 am - after ng 15 mins. na paglalakad pahinga agad, hehe! dito na nakakita si jet ng tumatalbog na nikon D80 na DSLR. wow! sira ang LCD.
12:30 - 1:00pm - arrival manggahan falls(camp 1), kinain ang packed-lunch, refill ng tubig sa manggahan falls, 500ml lang tubig ko, hehe. mambuburaot na lang. marami naman akong dalang jelly ace e.
2:00pm - simula na ng 2nd phase ng climb, assault na talaga to, medyo challenging na ang mabato at 45 degrees steep na trail. medyo naramdaman ko na ang bigat ng mga dala-dala ko(kailangan ko na talga ng matinong backpack, hehe!). kita na ang magandang view ng Laguna De Bay at Metro Manila, medyo natatakpan nga lang ng mga puno. picture na, sinusubukan na ni daweng ang mamahalin nyang camera. lakad, pahinga pag medyo hiningal, nagyoyosi pa nga kami ni daweng habang nagpapahinga, hehe. kulit noh. nilampasan na kami ng ilang kapwa hikers. ayos lang, pero at the back of our mind medyo nag-aalala. baka maubusan kami ng pwesto sa summit. "ano bang meron sa araw na'to at ang daming umaakyat sa mt.sembrano?", natanong ni bry. oo nga, bakit nga ba?
3:00pm - dumating kami sa base ng "saddle" na hill, simula na ng grassland. pahinga, naabutan namin yung mga hikers na nag-overtake sa amin. putek, nag-iinom ang mga walang-hiya, hehe! pinatagay kami, generoso. ayuz! socials, kwentuhan, kuhaan ng pics, doon na rin namin hinintay isa-isa yung member ng grupo ni bidol. larga na ulit.
3:30pm - arrival sa camp 2 (grassland), wala ng mga punong nakaharang sa view kaya kita mo na ang 3 sides ng laguna de bay, metro manila, laguna, rizal, etc.
4:00pm - arrival sa camp 3, marami ang dito na lang nagtayo ng tent, worried na wala na rin silang mapwestuhan sa summit. pahinga kami sandali bago lumarga. medyo matataas at matatalas na ang mga talahib dito. sana may warmer ako.
5:00pm - arrival sa summit, marami ng nakatayong tent, buti na lang medyo may pwesto pa sa bandang harap. medyo late na rin, buti na lang at maliwanag pa. itinayo agad namin ni bry yung tent namin tapos prepare agad yung iluluto kong sinigang, tinulungan ako ni kit. isa-isa ng nagdatingan yung mga ka-grupo ni bidol. labasan na sila ng malulupit nilang camera. astig kasi ng view ng sunset. pero di na rin ako na-excite sa view, ilang beses ko na rin kasing nakita yon e. di na dramatic kung baga.
to be continued...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment