Monday, February 2, 2009

CSL Packers (2003)


Ang unang akyat ng CSL Packers ay ginanap mismo sa San Mateo, yup, my hometown. Pero sa kasamaang palad, hindi ito naging enjoyable, dahil nga first time e, (hehe!) and lack of necessary equipment. Hindi pa namin narating yung magandang falls, lecheng mga talahib kasi yan! At under the roof pa kami nagpalipas ng gabi, imbes na sa outdoor with our tent dapat di ba.

Then, yung sa Mt. Sembrano, medyo kumpleto na sa gamit kaya bawas na sa mga hussle. Hindi naman kami gaanong nahirapang umakyat, dun pa nga kami dumaan sa medyo matarik para may thrill. At man, astig ng view sa summit, specially the sunset. Yun lang medyo malamig at medyo humahamog-hamog (o yung tent lang namin ang hinamog, haha!) pa kasi February. Buti na lang at nagtatabaan ang mga kasama ko sa tent(namely: Bep, Jobabs, Brian and Daweng), kaya hindi kami nilamig ni Alex. Naalimpungatan nga lang ako sa basang tent na humahampas sa mukha ko. And then, ayan na yung sunrise, astig na naman ng view, man. After eating our breakfast, bumaba na kami sa campsite malapit sa falls. Kain, tapos ligo sa falls, lamig. Astig! Enjoy!

No comments: