Wednesday, December 16, 2009

CSL Packers 101: Tarak Ridge (Overnight)

(view of the town of mariveles and corrigedor island from the ridge)

Latest News

Tarak Ridge - (Mariveles, Bataan) - Dec. 12 - 13, 2009

Lessons Learned:

- dalin ang mga equipment na sa tingin mo ay kailangan mo.
- MAJOR hike ang Tarak Ridge..hindi minor climb.


Tuesday, December 8, 2009

CSL Packers 101: Mt. Maculot Day Hike


Latest News

Mt. Maculot - (Cuenca, Batangas) - Nov.28, 2009, Saturday


Lessons Learned:

- sundin ang itinerary..


Wednesday, November 18, 2009

november 18, 2009


goals for the year 2009(updates)


almost 1 month na lang tapos na naman ang taon. 2010 na. magpropropose na naman ako ng "goals for the year", gaya nung isang taon. nakalimutan ko ng mag-by-quarterly updates dahil medyo naging busy o marami kasing nangyari nung third at simula ng last quarter ng taon. isa-isahin natin:

ondoy's onslaught (sept.26, 2009, sat)
- ito na siguro ang pinakagrabeng bahang naranasan ko. umabot sa 5ft ang taas ng tubig sa loob mismo ng bahay namin. nalubog at nabasa ang halos lahat ng gamit namin at nag-evacuate kaming buong pamilya sa mataas na bahay ng kapit-bahay. maraming salamat sa kanila. mabuti na lang at walang masamang nangyari sa amin o sa mga kapitbahay. swerte pa rin.

see related post

money
- as usual, parang pitaka ang atm account ko. wala pa rin akong naiipon. maliban lang sa naipon ko sa "coin bank" na nagastos ko na rin..hehe! ano na nga ba yung nabili ko sa na-save kong yon? di ko na maalala..hehe! nag-loan ako sa office na pambili ng computer parts na sinira ni ondoy. kaya sigurado at dapat na tipid/kuripot/buraot mode ako ngayong last quarter at next year. first major climb ko sa mt.pulag sa jan.2-4, 2010. iyon ang pinakamalamig na parte sa pilipinas, kaya kailangan kong mag-invest ng gamit para sa climb na 'yon.


career
- lately, na-assign ako sa Facebook Application Development. medyo natuwa at nalibang ako kasi kahit papaano may bago akong natututunan. pero open pa rin ako sa idea ng paghahanap ng bagong work. hangga't maaari yung malapit na sa san mateo at medyo malaki ang sweldo..hehe!


spiritual
- no comment..as usual..


health
- medyo iniiwas-iwasan ko na ang pag-inom which is good para sa health at para sa bulsa, hehe. pero ganon pa rin yung dami ng stick ng yosi na nauubos ko sa isang araw. pero masasabi ko pa rin na di ako chain smoker. ok na rin at nagiging active na ulit ang CSL Packers sa mga hiking.


love
- naka-tatlong date(s) ako, kung date nga bang maituturing yung isa..hehe! hindi na masama. hehe!


hobbies
- dahil medyo nag-uulan at napadalas ang bisita ng mga bagyo sa luzon nung third at sa
simula ng last quarter, ay naglie-low muna ang csl packers sa mga climb. pero nung oct.24, nag-dayhike kami nila ace sa mt.batulao. yun pa lang ang masasabi ko na magandang nangyari sa simula ng last quarter. at sa wakas ay mukhang tuloy na yuloy na ang mt.pulag expedition namin sa jan.2-4, 2010. bago yun, magkakaroon ng series ng minor climb, practice climb para di naman kami mabigla sa mt.pulag. maka-2 climb sana kami bago mag-pulag.

other/s:
- di pa rin ako nakakabili ng acoustic guitar..hehe. pero next year, bibili na talaga ako.
- wala pa rin akong DSLR, mahal e.
- di ko pa rin sineryoso ang pagmomotor bike. pero magpapractice na ako dahil malamang, iyon na ang maging mode of transportation ko.
- on-going ang pagsulat ko ng mga kanta (with chords) sa inuman notebook2.
- di ko pa nagagawa ang pamosong chains na gawa sa softdrinks in can tabs, pero ang dami ko ng naiipon na tabs.
- napagtripan ko palang bumili at basahin ang lahat ng libro ni bob ong (ABNKKBSNPLKo!, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, Alamat ng Gubat, Stainless Longganisa, MACARTHUR at Kapitan Sino). kasalukuyan kong binabasa yung pinakabago, kapitan sino. nasa kalahati palang ako. tingin ko matatapos ko yun bago magpasko. wag lang akong tatamarin..hehe!


Wednesday, November 11, 2009

My life according to Eraserheads



Using only song titles from ONE ARTIST, cleverly answer these questions. Pass it on to 20 people including me. You can't use the band I used. Do not repeat song titles. It's a lot harder than you think! Repost as "My Life According to (BAND NAME)."

Pick Your Artist:
Eraserheads

Are you male or female?
- superproxy

Describe yourself:
- maselang bahaghari

How do you feel?
- bato

Describe where you currently live:
- ha ha ha

If you could go anywhere, where would you go?
- fruitcake (heights)

Your favorite form of transportation:
- dahan-dahan

Your best friends are:
- spoliarium

Your favorite color is:
- pula

What's the weather like?
- palamig (malamig)


If your life was a TV show, what would it be called?
- magasin

What is life to you?
- futuristic

Your current relationship:
- walang nagbago

Breaking up:
- kaliwete

Looking for:
- shirley (?)

Wouldn’t mind:
- wala

Your fear:
- maskara

What is the best advice you have to give?
- run barbie run

If you could change your name, you would change it to:
- shadow

Thought for the Day:
- easy ka lang

How I would like to die:
- slo

My motto:
- huwag kang matakot


Monday, November 2, 2009

CSL Packers 101: Mt.Batulao Dayhike

Latest News

one of the mountain i really loved to climb is mt.batulao. 2003 when i first climbed mt.batulao with my college buddies and it was a great climb.

in preparation for their first major climb (on mt.isarog), ace york planned this climb and tag along his friend, michellet. october 24, we were blessed of a good weather condition because lately thypoons visit philippines on a weekly basis. we got a chance to visit this wonderful place again. I almost forgot the trail so we secure a service of a guide. "super erwin", our 10 year old boy-guide lead us all the way. i really liked this kid and he even run on the steepest part of the trail.

although it was only a day hike, i really enjoyed the whole climb. on the way to the summit (station 10), we took the old trail. had our lunch on station 7 and did the summit assault afterwards. this part of the climb was really i like the most. you literally have to crawl on this steep parts of this trail. this will test your knees and your stamina. the view on the summit was so wonderful and rewarding. going down, we took the new trail. and reward ourselves with hot and delicious bulalo at leslies in tagaytay. wow! what a wonderful way to end an exciting climb.


Tuesday, October 20, 2009

mga payong kaibigan ng namimilosopong mansanas (facebook app na!)


application link: http://apps.facebook.com/payong-kaibigan/

Ang mga mababanggit ay mga payo mula sa namimilosopong mansanas. Bahala ka na kung susundin mo ito o ipagkikibit-balikat na lang. Matanda ka na, alam mo ng ang may tama sa mali. Peace, man!

Abangan: Maaari ka ring magpasa ng sarili mong payo. Palakasan system nga lang. (now live!)

Pwedeng magpayo..

(Tandaan: Ang mga ipapasang payo ay isasailalim sa mababaw na pag-aaral bago aprubahan ng jury. Ang mga payong nakakasakit ng damdamin, may paglabag sa karapatang pantao, pang-hayop at pang-kalikasan ay makakarating lamang sa Recycle Bin.)




Tuesday, October 6, 2009

"ondoy, lupit mo dude! natulog akong basa brief ko!" (ondoy's aftermath)

9.25.2009, 5:00 pm - maaga akong umuwi, umuulan na, pero mahina pa lang. baha na rin sa street (Nawasa St. aka Daangtubo) namin.

water level: hanggang sakong (sa kalsada)

9.26.2009, 9:00 am - magdamag umulan at di pa rin tumitigil. pumunta ako sa palengke at tinulungan si nanay sa pagluto ng tinola.


water level: 2 ft., hanggang o lagpas tuhod

10:00 am - lalong lumakas ang ulan, kunti na lang at papasok na sa loob ng bahay namin yung tubig. nag-umpisa na akong mag-ayos ng mga gamit, para di na ako mahirapang magtaas ng mga ito sakaling tumaas na talaga yung tubig. maaga na rin kaming kumain ng lunch.

water level: 3 ft.

11:00 am - pumasok na sa loob ng bahay namin yung tubig-baha. (elevated ng kulang-kulang 3ft yung sahig ng bahay namin compare sa level ng kalsada sa labas). pinalipat ko na sila nanay, asawa ng utol ko at pamangkin ko sa bahay ng kuya ko (within sa compound din namin yon). mayroon kasi doong maliit na second floor.

kinontak ko na rin yung dalawa kong kapatid na umuwi para makatulong sa pagtataas ng mga gamit. nagtatrabaho silang dalawa sa farm malapit lang din sa amin. inumpisahan ko ng itaas ang mga gamit sa bahay. katulong si tatay, inilagay ko sa sako ang mga damit at kung anu-anong pang gamit at ipinatong sa ibabaw ng double deck na kama. yung ibang nakasako na ay itinali ko ng nakabitin sa bakal na nakalawit sa isang poste sa sulok ng bahay. inilagay ko naman ang lahat ng mga upuan sa ibabaw ng papag at ipinatong dito ang iba pang gamit. inilagay ko na rin ang mga importante kong gamit, cellphone, pera, mga libro ni bob ong, yosi, lighter at iba pa sa pula kong bag at dagliang dinala sa itaas ng bahay ng kuya ko. hanggang tyan o dibdib ko na ang tubig sa labas. mabilis akong bumalik sa bahay at itinaas ko pa ang iba pang gamit. ipinatong ko ang washing machine sa lamesa, yung mga TV, monitor sa ibabaw ng pinagpatong na upuan at isa pang upuan, yung CPU isiniksik ko sa ibabaw ng double-deck na kama, kasama ang iba pang damit.

water level: 4 ft.

12:00 pm - lalo pang lumakas ang ulan, na para bang nang-aasar at wala ng balak pang tumigil. napansin ko na nagkaroon na ng malakas na alon ng tubig papasok sa street namin mula sa main road (Kambal Road). medyo pababa (slant) kasi yung street namin mula sa main road. naging kulay putik (parang kape na may creamer na mas lamang yung kape ang kulay) na rin yung tubig-baha. dito na ako kinabahan. "iba na 'to!", sa isip-isip ko. normal lang ang bumaha sa amin, pero hindi ganito. nagpatuloy pa rin ako sa pagtaas ng mga gamit na pwede pang ilagay sa mataas na lugar.

12:30 pm - tinawagan (buti may siganal pa)ko yung dalawa kong kapatid, stranded na rin pala sila sa kabilang bahagi ng creek (mga 200m ang layo ng creek na yon sa street namin) dahil umapaw na ito at sobrang lakas ng agos, wala ng makatawid. nagdesisyon na yung kuya ko na ilipat sila nanay at mga bata (tatlo kong pamangkin, ages 6 yrs old, 4yrs old at 9months old) sa mataas na second floor ng kapit-bahay (bahay ng kabarkada ko, si Jeffrey). paisa-isang kinarga ng kuya ko ang mga bata. una kong inalalayan paalis ng compound namin si nanay. nilusong namin yung halos ga-balikat ng tubig. hinawakan ko sya sa balikat at sinabihang tumingkayad, hawak nya sa kaliwang kamay ang kanyang bag na may lamang damit at kung anu-ano pa. malakas ang agos, pero dahil sabay sa agos yung direksyon na pupuntahan namin, di kami nahirapang maglakad sa baha. maingat lang baka kasi ma-out-balance kami at lumubog sa tubig. ligtas ko namang naihatid ang nanay ko sa bahay ng kabarkada ko. nag-aabang na sila sa may pinto at agad na inalalayan ang nanay ko papasok.

bumalik agad ako sa bahay, sa pagkakataong ito. kontra na ako sa malakas na agos ng tubig. sinubukan ko itong salubungin, pero malakas talaga. kahit kumapit pa ako at mamaybay sa gilid-gilid ng mga bahay. "doon ka sa ibabaw ng bakod dumaan!", sigaw ng isang kapit-bahay. may mataas at mahabang bakod kasi sa gilid ng street namin, boundary nung subdivision na dine-develop. nag-paanod ako sa tubig para makatawid sa kabilang bahagi ng kalye at makapunta sa bakod. kumapit ako sa ibabaw nito para umakyat. putek! ang hirap umakyat, dahil sa lakas ng alon. nakatungtong ako sa ibabaw nito, tumulay at naglakad pabalik sa harap ng bahay namin. ingat lang baka madulas, kaliwa o kanan ka man bumagsak, tubig-baha pa rin ang babagsakan mo. ganon na rin ang ginawa ng ilan pa naming mga kapit-bahay para lang wag salubungin ang malakas na agos.

12:45 pm - 1:00 pm - mula sa bakod, patalon at palangoy akong pumunta sa bahay namin. si tatay naman ang hinatid ko. lalong lumakas ang alon. namaybay na kami sa gilid ng mga bahay habang akbay-akbay ko si tatay papunta sa bahay ng kabarkada ko. ligtas ko ring naihatid si tatay. akyat uli ako sa bakod. lalo pang lumakas ang ulan, na sinamahan na ng malakas na ihip ng hangin. mabilis tumaas yung tubig. hanggang leeg ko na sa muli kong paglusong papasok sa bahay namin. kinuha ko yung pwede pang maisalba. yung damit na nailagay sa plastic bag ni nanay dinala ko sa kanila. isinama ko dito yung ever-reliable kong jacket. balik na naman. naglutangan na yung mga gamit sa bahay. kinuha ko naman yung kaldero ng kanin at ulam, para naman may makain kami. balik na naman ako. tumingin ako ng posible pang maiiligtas na gamit. inabot na yung mga TV at monitor na itinaas ko, yung 2 aparador at kung anu-ano pa. nagpatulong ako sa kuya ko para itaas yung malaking cabinet. ipinatong namin ito sa lubog na sa tubig na sofa at itinali. inilagay ko sa ibabaw nito yung mga unan, kumot at iba pa.

water level: 5+ ft.

2:00pm - hindi pa rin tumigil yung ulan at tila wala ng balak ng tumigil pa. lagpas na sa akin yung tubig kaya literal na lumalangoy na ako. sa huling pagbalik ko sa loob ng bahay namin, hanggang dibdib na sa loob. nang sa palagay ko'y wala na akong maisasalba pa, sinarado ko na yung pinto para di pumasok ang mga basura. nagpa-iwan ang kuya ko sa bahay nila. lumangoy na ako papunta sa bahay ng kabarkada ko. umakyat ako sa hagdan ng bahay nila para dungawin sila nanay at kamustahin. nakapagpalit na sila na tuyong damit. mukha naman silang ok na sa taas ng bahay. pinatext ko sa hipag ko yung mga kapatid ko na huwag ng umuwi dahil delikado na ang lalim ng tubig at lakas ng agos.

at saka ko lang napansin, kulay-kape na pala yung suot kong puting t-shirt. unti-unti na rin akong nakakaramdam ng lamig. gusto kong magyosi. malas, naiwan ko yung bag ko sa taas ng bahay ng kuya ko. may yosi at lighter pa naman ako doon. mahirap ng bumalik sa bahay. mataas na talaga yung tubig. wala ring yosi yung kabarkada ko. nagpasya kaming bumili. bibili na rin kami ng kandila dahil nawalan na ng kuryente at ng kung ano pang makakain. namaybay kami papunta sa tindahan ni aling neneth. bumili kami ng kandila at syempre yosi. kailangan namin yun para pampabawas ng lamig. pinabalot ko sa plastic para di mabasa. nakapagyosi rin ako, pampabawas lamig. pampa-relax.

lalo pang lumakas yung agos ng maputik ng tubig. may inanod ng tricycle sa street namin. nagpagulong-gulong ito sa tubig na parang bola. naisipan naming maglagay ng tali mula sa pader hanggang sa pinto ng bahay ng kabarkada ko. para di matangay sa agos ang sinumang tatawid at para na rin may mahawakan ang sinumang aanurin. isa-isa rin naming inalalayan ang ilang mga kapitbahay ng nag-evacuate na rin sa bahay ng ka-tropa ko.

water level: 6+ ft.

3:00 pm - lalo pang tumaas yung tubig. nalubog na rin sa tubig yung bakod na ginawa naming tulay kani-kanina lang. di ko na talaga kaya yung lamig. umahon na ako sa tubig-baha. ilang oras na rin kasi akong nakababad sa tubig, basa pa yung t-shirt at shorts ko. umakyat ako sa hagdan at dumungaw sa taas, "magpalit ka ng damit..", sabi ng nanany ko. kaso wala pala akong nadala na kahit ano. maliban sa ever-reliable kong jacket na buti na lang at nailagay ko sa plastic at nailigtas. hinubad ko yung basa at kulay kape kong t-shirt at sinuot ang jacket. ang lamig na talaga. itinapat ko yung kamay ko sa apoy ng kandila, para mabawasan ang lamig na nanunuot na talaga sa katawan ko. apat na baitang na lang at aabot na sa taas ng bahay ng kabarkada ko yung tubig. "naku! wag naman!", sa isip-isip ko. iyan din marahil ang nasa isip ng karamihan sa amin. kumain ako kahit kaunti, buti na lang pala at binitbit ko yung kaldero naming may kanin at ulam (malamig na tinola). may pantawid gutom kami kahit papaano.

water level: 7+ ft.

4:00 - 9:00 pm - tuloy pa rin yung ulan. pero di na tumataas yung tubig. nakisiksik ako sa mga kasama sa terrace. dito ko na nakita kung gaano kalawak ang baha. nagmistulang dagat doon sa subdivision na dinedevelop pa lang sa kabilang bakod. mataas na rin ang baha sa main road (Kambal Road). wala na talagang makadaan na sasakyan. nalibang kami sa sari-saring bagay na inaanod sa tubig. basura, tsinelas, kahoy, diaper, ahas, bote ng soft drinks at kung anu-ano pa. halos sampung pamilya rin kaming nagsisiksikan sa taas ng bahay na yon. nagtulong-tulong ang mga babae sa paghahanda ng kung ano man ang pwedeng iluto. maaga na rin kaming kumain dahil walang kuryente, siguradong madilim. nakakain din ako ng matino kahit papaano.

mga 6pm siguro yon ng medyo humina ang ulan. bubugso ng malakas pero patigil-tigil naman. pero alerto pa rin kami sa kung ano man ang pwede pang mangyari. tambay kaming mga lalaki sa terrace. wala rin naman kasi kaming pwepwestuhan para mahiga at matulog. hinayaan na naming makapagpahinga ang mga babae, matatanda at mga bata. kwentuhan habang nagyoyosi. nagawa pa nga naming magbiruan at maglokohan. hehe! pinoy nga naman.

mga 8pm siguro yon ng magsimulang bumaba ang tubig. lumitaw na kasi ulit yung bakod na ginawa naming tulay kanina. pero hanggang leeg pa rin ang lalim nito. humina na rin yung agos. may ilan-ilan na ring mga kapitbahay na nakakapaglakad sa kalye namin para tingnan ang mga bahay nila. mamaya na ako ulit lulusong sa tubig, malalim pa naman e. sinubukan kong makatulog, pero sa ganong sitwasyon malabo na yon. siguro na-idlip lang ako ng kalahating oras.

mga 9pm nang dumating ang kapatid ng kabarkada ko, na-stranded sa pag-uwi. sinuong na ang mga malalim na baha makauwi lang. at ang maganda pa roon, may dala syang pagkain. nagising ang mga bata at kumain. naibalita nya na rin ang lawak ng baha. kahit daw sa Gen.Luna Street (national highway na parallel sa San Mateo River) ay halos lagpas tao ang tubig. pumunta rin ang kuya ko sa bahay ng barkada ko para kamustahin ang mga pamangkin ko.

water level: below 6 ft.

11:00 pm
- naging hanggang bewang na lang yung tubig. dito na namin napagkasunduang bumaba at lumusong sa tubig. pinuntahan ko agad ang bahay namin. nakakapanghinayang na tanawin ang bumulaga sa akin ng buksan ko ang pinto at ilawan ng liwanag mula sa maliit na flashlight. basa ang lahat ng gamit namin, as in lahat at nagswi-swimming sa pinaghalong tubig-baha, putik at basura. pati ang mga itinaas kong gamit nabasa. pati yung itinali at ibinitin kong sako, inabot rin. haaayy! pero ayos lang. at least, ligtas kaming lahat.

12:00 - 4:00 am - napagkasunduan na naming lumabas para maghanap ng mabibilhan ng makakain at ng kandila, kung may mabibilihan kami. dahil medyo mataas pa yung tubig sa kanto ng street namin palabas sa main road, ay kailangan naming umikot at maglakad sa isang subdivision para makarating sa may palengke. inumpisahan namin ang paglalakad sa baha. medyo mabato ang rutang yon. ang masakit (as in literal na masakit), wala akong tsinelas. malamang inanod na o kasalukuyang nagpapalutang-lutang sa loob ng bahay namin. kaya ramdam ko ang pagtusok ng bato sa bawat paghakbang ko. aray! ang agang "alay-lakad" nito ah. sa kabila ng pasakit na dinanas ng babad na sa tubig na talampakan ko, wala kaming nabiling kandila at kung anong makakain. maliban sa isang kaha ng yosi. haayy! buti na lang.

grabe ang ginawa ng bahang yon. walang bahay na hindi inabot ng tubig sa barangay namin. puro putik (banlik)* ang kalsadang wala ng tubig. literal na nilukot ang mga aspalto ng tubig, dahil sa lakas ng agos. puro basura, kahit saan ka tumingin. nag-umpisa ng maglinis ng bahay ang ilan. pasalamat na rin at wala namang napahamak sa street namin. swerte pa rin!

mga 4:00 am na siguro yon ng bumalik ako sa bahay. naglilinis na rin ng bahay nila ang kuya ko. nakaramdam na ako ng antok. kaya umakyat ako sa taas ng bahay ng kuya ko. ang daming gamit na nadoon, pero gumawa ako ng paraan para lang may mahigaan. at natulog akong basa pa ang brief ko..

water level: below 4 ft.

*banlik -
tumining ng putik mula sa tubig-baha, early stage ng burak.

to be continued..

Wednesday, September 23, 2009

mga palatandaan na bored ka na sa trabaho



- di ka na nangangarag pumasok kahit alam mong late ka na.

- browser (eg.firefox,IE,Opera,etc.) agad ang ino-open mo sa PC pagka-boot nito.

- facebook ang homepage ng browser mo.

- at siyempre facebook agad ang aatupagin mo. check ng updates, notifications, photos, iniisa-isa mo kung anu-ano man ang nakapost dito, magko-comment, bibisitahin mo ang farm mo, paliliguan mo yung pet mo, susubukan ang usong app, magko-comment na naman, magshe-share ng link, babaguhin mo yung profile pic mo, syempre pati status mo babaguhin mo rin, magbabasa ng notes, magta-tag ng photos, magko-comment na naman..

- pag sawa ka ng mag-facebook, magbabasa ka naman ng email.
- meron kang 7 email account.

- pero mas prefer mong basahin ang email ng mga kabarkada mo, ng syota mo, ng mga kamag-anak mo sa abroad, ng yahoo groups ng bandang idolo mo, yung spam mail na pampalaki ng.., at yung alert mo sa isang site (may bago daw na nakapost..hehe!).
- saka mo lang mapapansin, may email pala ang boss mo.

- sisiw lang sa'yo ang trabaho kasi iyun at iyun lang din.

- tambay ka sa pantry.
- nakakasampung tasa ka ng kape araw-araw, gusto mo kasing kabahan.
- mas trip mong nasa pantry, kasi iba ang ambiance. doon ka na lang kaya mag-trabaho.
- trip mo rin palang tumabay sa roofdeck at magyosi.

- on time ka sa lunch break.
- lalong on time ka sa coffee break.
- pati sa yosi break.

- parang laging may concert sa earphone mo.

- trip mong asarin ang mga coño mong ka-opisina.

- panay ang punta mo sa CR kahit di ka naman iihi o magbabawas.

- ah kaya ka nga pala inom ng inom ng kape, para maihi(?)..


- sumasakit na ang mata mo kakasilay sa crush mong officemate(s).

- napapayosi ka kapag naputol yung internet connection.

- "ano kayang ulam namin mamaya?", yan ang nasa isip mo habang nagmi-meeting kayo.

- gusto mong sapakin yung epal mong ka-opisina.

- asar na asar ka sa ka-opisina mong reklamador. "puro kayo reklamo, pero nandito pa rin kayo!", sa isip-isip mo lang.

- oras-oras mong tinitingnan ang orasan.

- 4pm pa lang, may accomplish report ka na agad.

- pasimple kang ume-eskapo kasi 5 pm na.

- ina-update mo ang resume mo pag-uwi mo sa bahay.

- naghahanap ka sa google ng bagong template ng resignation letter.


Thursday, September 17, 2009

gusto kong..


gusto kong mag-jogging..


gusto kong maglaro ng basketball..

gusto kong maglaro ng table-tennis..

gusto kong mag-hike..
gusto ko yung major climb..
gusto kong mag-yosi sa summit..

habang nakahiga sa damuhan..
at mag-star gazing..

gusto kong akyatin ang mt.apo..
pero syempre, mt.pulag muna..

gusto kong humiga sa beach..
habang umiinom ng malamig na beer..
yung sa serene na lugar tulad ng nagasasa cove o caramoan..

gusto kong mag-siesta sa hammock sa ilalim ng puno..
gusto kong umakyat ng puno..
pumitas at kumain ng prutas mula rito..

gusto kong maggala..

gusto kong magroad-trip..

gusto kong lakarin ang Roxas Blvd...
mula pier hanggang baclaran..
syempre tatambay ako sa baywalk..
papanoorin ko yung sunset..
habang nagyoyosi..

gusto kong makadalaw sa peyups..
marami daw bago run e..
tatambay uli ako sa hallway ng eastwing..
sa lagoon..
maglalaro uli ako ng counter-strike kila kuya bong..

gusto kong magkaroon ng DSLR..
ng ipod nano..
ng PSP..
ng bagong PC game..
ng kotse..?

gusto kong magsulat..
mag-blog..

gusto kong basahin ang lahat ng libro ni bob ong..

gusto kong maging government employee..
pwede ring government official..
ng GSIS, SSS, BSP o ng NCC..
pero di ako mangungurakot ha..

gusto kong bumili ng gitara..
gusto kong tumugtog..
gusto kong manood ng malupit na gig..
makipag-slamman..
mag-stage dive..

gusto kong makagulpi ng holdaper o mandurukot..

gusto pa rin ba kita..?

gusto na ba kita..?


gustung-gusto ko ang mga bagay na gusto ko..

gusto ko ang gusto meat loaf..


Thursday, September 10, 2009

halina ng alabang-zapote road


thursday, 08.27.2009


mga alas-siyete ng gabi, matapos kumain ay papunta kami ng isa kong ka-opisina sa festival mall (alabang). agad kaming nakasakay ng jeep na naghihintay sa ilalim nung footbridge sa harap ng ATC. naunang sumakay sa jeep yung kasama ko. may nahulog na barya. "opss..nahulog yung pera mo.." sabi nung isang lalaki. pinulot ko yung limang piso, sabay sabi dun sa kasama ko, "oy! sa'yo yata toh e.", sabay tingin doon sa pinaglaglagan nung barya, baka kasi di pa napupulot yung iba pa. may pinulot yung mama at inabot sa akin, dali ko naman itong binigay sa kasama ko habang paupo sa loob ng jeep.

nang biglang may naramdaman akong kamay na pumasok sa kanang bulsa ko! putek! madurukot! buti na lang at matalas ang aking pakiramdam. at buti na lang at hindi nya maipasok ng maigi ang kanyang kamay, medyo malalim kasi yung bulsa ko. nandoon pa naman yung celfone ko. umarte na lang ako na kunwari kukuha ako ng pambayad ng pamasahe sa kanan kong bulsa. pero ang totoo, nasa bag ko yung coin purse ko. na-alarma yung mandurukot, agad itinago yung kamay sa jacket na nasa lap nya. props lang pala ang jacket na 'yon. nakiramdam ako. binilang ko yung mga posibleng kasabwat. yung 2 mama na naghulog ng barya sa harapan ko, yung nakasabit na isa pwede rin. 'tong mandurukot sa kanan ko. pwede rin itong ale sa kaliwa ko na medyo maingay at kakaiba rin ang kilos. ang iingay nila at ang lilikot. di ako makapag-isip ng maayos. hindi na siguro ako nito dudukutan uli, kasi alam nya na, na alam ko na yung balak nya. bababa ba kami ng jeep? di ako makapagdesisyon.

biglang tumayo yung maingay na aleng katabi ko sa kaliwa at lumipat ng pwesto. umurong yung katabi nyang lalaki at tumabi sa akin. ginitgit na ako. pinaggitnaan na ako ng dalawang mokong na'to. dito na ako tuluyang kinabahan. sigurado. gagamit na ng dahas at pwersa ang mga 'to. madilim at wala pa naman gaanong tao sa parte ng alabang-zapote road na yon (westgate hanggang festival mall).

buti na lang, nagsakay pa ng pasahero ang jeep doon sa may bandang dulo ng ATC, malapit sa may terminal ng mga bus. bigla akong napatayo at mabilis na bumaba. di ko na natawag yung kasama ko. sya pa nga ang tumawag sa akin, "oy! apol..bakit?". bakit daw ako bumaba. lumayo ako ng bahagya sa jeep at tinawag yung kasama ko. "tara! tara! bumaba ka na!", sabi. di ko masabi na sangkaterbang mandurukot/holdaper/laglag barya gang ang nakasakay sa jeep na yon. bumaba rin ng jeep yung kasama ko. minadali ko sya. habang naglalakad palayo, sinabi ko sa kanya ang nangyari. takot at paranoid na ako. baka kasi biglang bumaba ang mga yon at sundan kami. bumalik kami sa loob ng ATC.

haay! muntik na kami run ah. may dala pa naman akong pera dahil araw ng sweldo. buti na lang..


Tuesday, September 8, 2009

ABNKKBSNPLAko..


o walang magre-react! hehe! kagabi, habang papauwi galing mula sa trabaho ay naisipan kong dumaan sa national bookstore at napabili ng unang libro ni bob ong, ang ABNKKBSNPLAko. yung stainless longganisa ang unang libro ni bob ong na nabasa ko na nahiram ko pa sa ka-opisina ko. weird noh, nauna ko pang basahin yung pang-lima nyang libro bago itong nauna. hehe! pero ok lang, di naman mukhang magkaka-sequel yung mga libro nya e. saka ayokong mabansagang posero na nagmamayabang na nabasa nya ang unang libro ni bob ong sa paglabas nito nung mga panahong yon. lalong di ako gagawa ng book review noh. nak ng..!

wala akong hilig sa pagbabasa ng mga libro. lalo na yung mga english novels. naku! nakakatamad! hehe! mga textbooks sa school lang ang napagtyagaan kong basahin, kasi kailangan e. mas gusto ko pa ngang basahin yung mga book for Dummies. ang reader's digest. yung tipo ng mga babasahing may matututunan ka matapos manakit ang mata mo. siguro nga kung magkakaroon ng libro na mala-encyclopedia ang dating ang national geographic o discovery channel (meron na nga ba? di ako sigurado e.), ay siguradong babasahin ko. pero depende pa rin sa presyo ng libro. hehe!

napabili man ako ng unang libro ni bob ong, di ko pa rin masasabi na idolo ko sya. gusto ko lang yung paraan nya ng pagsulat. makulit.
simple kung bumanat. mababaw, pero malaman.

sige na! magbabasa pa ako e. nasa page 25 pa lang kasi ako.


Thursday, August 27, 2009

shoot me down again


silence,
like a whisper
maybe tomorrow it won´t be here
so tomorrow we could teach them some new styles
you're such a killer
so shoot me down again
it won't hurt when the killing's done by a friend


747 - kent


Monday, August 17, 2009

halina ng aurora (boulevard) - part 2



saturday, 07.11.2009

maaga akong gumising at hinarap ang gabundok kong labahin. may munti kasi kaming reunion ng mga astig at mahal kong ka-osbing sa malaking bahay sa bacood (manila). double-birthday celebration ni siopletz at beplog. sinadya kong magpa-late. medyo madilim na ng umalis ako ng san mateo. at sa kauna-unahang pagkakataon, nauna si bry (at girlfriend nyang si jhei) sa akin. hehe! medyo nakompleto rin kaming mga miyembro ng osbing-gang. nakita ko yung mga ka-tropa ko nung college na halos ilang taon ko ring di nakita. kamustahan, batian, balitaan, kwentuhan, kulitan,
inuman at nalasing kasama ang mga astig kong ka-osbing at ka-packers.

naunang umuwi sila bry, ihahatid nya pa kasi si jhei sa valenzuela. nag-text sya sa akin nung pauwi na kami na itago ko raw muna yung payong ni jhei na naiwan kila bep. wow color red (payong), hehe! kasabay ko si allan pauwi, buti naman at hinatid kami ni syok kahit hanggang sta.mesa lang. sakay kami ni allan ng jeep pa-cubao. putek! nahihilo talaga ako (dala ng kalasingan). bumaba kami pagdating sa aurora sa tapat ng gateway mall sa ilalaim ng LRT 2 cubao station. agad nakasakay ng jeep si allan pa-project 4. naglakad ako papunta sa goldilocks kung nasaan yung terminal-KUNO ng mga FX na biyaheng san mateo-montalban.

nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. mabilis akong sumilong sa gilid ng sidewalk. marami rin kaming sumilong sa gilid ng goldilocks. putek! walang fx..hala..! mukhang mapapatambay pa ako ng matagal dito ah. sa di kalayuan, ay may umpukan ng mga kababaihan. sigurado, mga bugaw at prostitutes yon. biglang lumapit sa akin yung isang babae na sa tingin ko ay nasa late 30's nya na. tingin ko rin, sya yung pinakamatanda sa umpukan ng mga babae na yon. lumapit sya sa akin sabay sabing, "bossing! babae gusto mo?", sabay turo dun sa mga kasama nya. "murang-mura lang! 350 lang! batang-bata pa ang mga yan!", pamboboka pa nya. "ha...!", nasabi ko na lang sabay ngiti. agad bumawi ng banat yung babae, "o kung gusto mo ako na lang..300 lang..!", ang sabi nya na talagang nagpabuwal sa akin. sa isip-isip ko, "ate, tigang ka na ah..hehe! talagang singkwenta pesos lang ang difference mo sa mga batang prosti ha!", di ko kinaya yung banat nyang yon. "hindi ate.", sabi ko, "wala akong pera e.", palusot ko na lang. tuloy pa rin sya sa pagse-sales talk, sa pagbabakasakali pa rin na pumayag ako. "panalo yang mga bata ko, bossing! sulit na sulit! galing gumiling!", mga hirit pa nya. naglakad na lang ako palayo. kahit umuulan, tumawid ako sa kabilang block para di na ako kulitin ni ate na bugaw/prosti.

nabasa na talaga ako sa lakas ng ulan. at saka ko lang naalala na meron pala akong payong, courtesy of bry. nak ng..!


photo by: Dennis Villegas



Sunday, August 16, 2009

rocked to death


04.23.2003

bad trip ang mapanirang
lighter ni syok
sinunog ang bigote at
balbas kong napag-iwanan
na ng panahon
sa pagsindi sa sigarilyo
ni bep na unti-unting
pumapatay sa durog ko
ng puso na nilunod pa ng
mataas na tagay ng
alak ni bry
samahan pa ng mga
pang-aalaska ni jobabs
allan, daweng, ni dee,
ni siopletz, ni jaime
at ng iba pa
sa saliw ng musika ng
gitara ni mark
at sa takatak ng
tambol ni erick
gem, kumanta ka na
hoy erwin, wag kang susuka
naku, naku, naku
ang kulit mo yeh...
"magigising din yan!",
sabi ni jetlog
salamat ate erin
tang-ina!
hindi na'ko iiyak
hindi na...


original post: http://groups.yahoo.com/group/osbing-gang/message/735


Friday, August 7, 2009

Payong Kaibigan Lang...!!!


"Payong Kaibigan Lang!!!"
-apol (04.21.2003)

1. Wag magyoyosi!
kasi magastos, bad sa health, mahirap mag-quit!

2. Pwedeng uminom!
pero konti lang! maganda sa puso ang alak, lalo na yung red wine!
pero kung gusto mong magpakalasing, bahala ka!

3. Gumamit ng mahiwagang lobo pag magkakape!
masakit kasi sa puson pag nahawahan ka! tsaka baka iba pa ang
lumobo, mahirap na! sabit...!!!

4. Wag magda-drugs!
Matanda na kayo, alam nyo na ang tama at mali! di baleng magyosi at uminom, basta wag lang talaga ang drugs! say no to drugs!!!

5. Wag magsusugal
same as above!

6. Mag-ingat sa holdaper!
di baleng maparanoid kapag nakasakay sa jeep! maniwala sa kutob! the best pa rin ang sumakay sa PATOK!

7. Wag mag-anticipate at umasa!
kasi kadalasan hindi nangyayari ang mga inaasahan nating mangyari! so nababad-trip ka lang!

8. Wag gumawa ng balak!
kasi di natutupad! proven na yan, lalo na sa atin (osbing-gang)!

9. Okey lang ma-in love!
basta siguraduhin mo lang na hindi ka nagmumukang TANGA!

10. Maghanap ka na ng trabaho!
kasi gagraduate ka na! tsaka nagagalit na ang nanay mo e!


ayus...???

Sunday, August 2, 2009

halina ng aurora (boulevard)


friday, 07.10.2009 ..

medyo ginabi na ng uwi dahil sa mumunting inuman namin ng mga ka-opisina ko na kiniliti lamang ang aking bahay-alak..hehe! nung nasa metropolis(alabang) na ako, sabi ko, "di na siguro trapik nyan. magte-ten (pm) na eh.". di ako nagdilang-anghel, halos abutin ako ng isang oras sa SLEX(read as HELL) dahil sa bigat ng trapik. lecheng skyway construction project na yan! di na ako bumaba ng magallanes sa pag-aalalang wala ng biyahe ang MRT. diretso na ako ng cubao. ang bigat ng trapik pa-ayala, putek! ang bigat rin ng trapik pa-crossing, nak ng..! waaahhh...! tang-ina, nasa edsa pala ako! pakonswelo na ang ortigas. tama lang ang daloy ng mga sasakyan hanggang santolan. buti naman!

pagdating sa kanto ng p.tuazon at edsa, di na gumalaw ang bus na sinasakyan ko. lumipas ang 10 minutes. di pa rin gumalaw. 20 minutes., grrr..nauubos na pasensiya ko. 25 minutes, nagsalita yung kundoktor, "yung mga cubao dyan, maglakad na lang. iilalim na kami(may underpass kasi sa intersection ng edsa at aurora)". sumagot ako ng pabalang, "iilalim pala kayo, di nyo pa naisip kanina!", sabi ko. di ako asar sa kundoktor o maski na sa biglaan nilang pagdedesisyon na sa ilalim na lang dumaan. sabihin na lang natin na pinagbuntunan ko lang sila ng inis na kanina pa nangungulit sa kukote ko. bumaba ako ng bus at inumpisahan ang paglalakad mula p.tuazon hanggang aurora na sa tantya-meter ko ay mahigit isang kilometro rin. marami rin kaming mas pinili na lang maglakad. ang iingay ng mga bus, sagutan sila ng sagutan ng busina. nakakaturete! "tang-ina nyo!", nasambit ko na lang sabay bato ng pamosong gitnang daliri sa kanila. ano bang meron sa edsa ngayong araw ng biyernes sa dis-oras na ng gabi (11:43pm to be exact).

narating ko rin ang aurora blvd. after 10 minutes siguro ng paglalakad. naiihi ako. buti may urinal sa ilalim nung pink na footbridge ng mmda. dali akong pumasok para umihi. shit! umaapaw na sa ihi yung improvised-urinal na tubo. tumatalsik na sa laylayan ng pantalon at sapatos ko. nak ng..! ok lang, kesa naman magkasakit ako sa bato.

buti naman at may naghihintay na fx sa may goldilocks na biyaheng montalban (rizal) na mapupuno na rin so di na ako gaanong maghihintay ng matagal. dali-dali akong sumakay. madaling napuno. agad pinaandar nung driver ang sasakyan. nang biglang may nagbububusina ng pagkalakas-lakas mula sa likuran. isang kulay orange na "pimped-SUV", may mataas na suspension, astig na rim at kung anu-ano pang abubot. di ko nga lang natandaan yung plate number. panay ang busina nya sa fx na sinasakyan ko. oo medyo nakaharang sya(fx) sa kalyeng iyon, pero ga-sino lang naman yung dumaan sya sa medyo gitnang lane (four lane ang street na yon sa palagay ko e). sige busina, busina. nakakairita na. parang gusto nya yatang ipamukha sa driver ng FX na, "HOY! Nakaharang yung fx mo! dadaan ang maganda kong SUV!". dali-daling pinaabante ng driver yung fx at kumanan sa aurora (pa-marikina), alam nya rin kasing nakaharang sya sa kalsada at ginawa nya itong terminal. sumunod yung SUV na tuloy pa rin sa pagbusina. umakmang o-overtake. pero, ginitgit nya yung fx na sinasakyan ko. biglang napakabig pa-iwas pakanan yung driver namin, napasigaw yung mga sakay na babaeng pasahero, "ay! ano ba yan..!". ginitgit uli kami nung SUV, na animo'y mobile car ng pulis na pinapahinto ang aming sasakyan, o talagang babanggain nya na ito para lang sumadsad sa gutter.

huminto kami. huminto rin yung mayabang na SUV. lumabas yung driver. putek! may hawak na stainless na 9mm na baril. tinutok nya sa driver namin at nagsisigaw, "tang-ina ka! bumaba ka dyan!" sumagot yung driver namin, "sira itong pinto, di bumubukas!". "bumaba ka dyan!", sabi ulit nung maangas na mama sabay kalabog sa pinto ng fx. "Blag!", malakas. di pa rin binuksan nung fx driver, listo na sya sa kung ano mang gawin ng war freak na 'to. tama rin yung naisip nyang wag ng bumaba, dahil siguradong bubugbugin sya ng gagong 'to. "ang yabang naman ng hayup na 'to..!", nasabi ko na lang. hindi naman sya mukhang pulis o sundalo, pero isa lang ang sigurado. KUPAL sya! bumusina yung mga sasakyan sa likod. nakakaabala na pala yung mga sasakyan namin. agad bumalik sa SUV yung mayabang na mama. sabay harurot sa aurora, pa-marikina. "tang-ina ka! mabangga ko sana!", sabi ko.

bakit ba may mga taong tulad nyo? nagkaroon lang ng baril, akala mo kung sino na. maagang mamamatay yung mga tulad nyo!


karugtong..


Sunday, July 12, 2009


..i am apol seban,..
and this is attemp number 2..


Wednesday, July 8, 2009


Lei-Ar: gamitin ang time space warp!
Yda: time space warp, ngayon din!
.......
Shaider: blue hawk.......


Tuesday, July 7, 2009

wala lang..

(Mt.Maculot as seen from Mt.Manabu - photo taken using a camera phone)

lately, nagiging interesado ako sa digital photography. ganon daw talaga pag ikaw ay outdoor-type na tao na mahilig maghike o mag-camping. malaki yung chance na mag-segway yung interest mo sa photography, particularly sa landscape photography.
kapag may nakita nga akong medyo kakaiba at sa tingin ko ay picture perfect, kunin ko agad ang aking camera phone, hanap ng magandang anggulo at yun.

sana lang meron akong DSLR, kahit yung entry-level na model lang. pero sabi ng mga beteranong photogrpaher na nakakausap ko, di mo rin naman daw talaga kailangan ng mamahaling camera para lang makakuha ng magandang shots. kahit digital camera pa yan o camera phone, basta marunong ka lang magmaximize ng technology at functionality nito e siguradong magiging maganda ang resulta ng mga kuha mo. may sense yung statement na yun di ba..hehe!


Tuesday, June 30, 2009

25 random things ek-ek..


matagal ng nauso sa facebook ang paglalahad ng 25 o higit pa (walang definite number ) na mga bagay tungkol sa'yong sarili. kapag na-TAG ka nung nagpost ng note ay dapat magpost ka rin ng sa iyo, pero di naman ito obligado. matagal na akong nata-tag sa mga notes na yan, e dumadami na naman ang nagtatag sa akin lately, so gumawa na ako. i-post ko na rin sya dito sa blog ko for SEO purposes, hehe!


Once you've been tagged, you are supposed to write a note with 25 random things, facts, habits, or goals about you. At the end, choose 25 people to be tagged. You have to tag the person who tagged you. If I tagged you, it's because I want to know more about you.


(To do this, go to "notes" under tabs on your profile page, paste these instructions in the body of the note, type your 25 random things, tag 25 people (in the right hand corner of the app) then click publish.)

1. na-enjoy ko ang aking childhood. na-balance ko yung paglalaro at pag-aaral.

2. dala ng kakulitan at pagiging gala, eto yung mga aksidenteng nangyari sa akin :
- lumaklak ako ng multivitamins (syrup) nung 3 yrs old ako, masarap e, orange flavor. ang resulta, nagcolor blue yung paningin ko, tapos black out. na-overdose.
- sumabit ako sa likod ng tricycle tapos tumalon (nag 1-2-3, hehe!) ako ala lito lapid. ang resulta, dislocated na balikat (ouch!).
- muntik nang maputol ang right ring finger ko ng maipit sa pump belt ng isang mini-ride sa peryahan dahil pinaglaruan namin ito at pilit pina-aandar.
- nabagsakan ako ng backstop fence ng baseball field, putek ang bigat non. inakyat ko kasi hangagang taas tapos bumagsak, una ulo. blackout. pag gising ko may malaki na akong bukol sa ulo.
- sumemplang ako sa bike at nagpagulong-gulong sa 50 meters na kataas na slope. ang resulta, malaking sugat sa balikat.

3. nung elementary, nagpapakopya ako ng answer sa quiz kapalit ng libreng chibog pag recess, hehe!

4. pangarap ko noon na maging astronaut. pero nang malaman ko na wala palang kakayahan ang pinas na magpadala ng tao sa space, sabi ko magiging engineer na lang ako. pero sa IT ako bumagsak.

5. gustong-gusto kong mag-aral sa UP (diliman). pero sabi ng yano marami na raw coño dun, kaya sa pup bagsak ko.

6. nag-yosi ako para di mag-mukhang cool o astig. nag-aral akong mag-yosi kasi tuwing nag-iinuman kami ng mga kabarkada ko, ako lang ang di nagyoyosi that time, e para akong panabong na manok na binubugahan ng usok. so yon, nag-yosi na rin ako.

7. gusto ko na ring mag-quit magyosi, di lang ako motivated.

8. naka-inom ako ng 3 lata ng tubig nung muntik na akong malunod sa ilog. pero dahil doon, natuto akong lumangoy.

9. nung 2004, nung kalakasan ko pang uminom ng alak, nag-drinking marathon kami ng mga kabarkada ko sa samatyo ng isang linggo. ang malupit pa noon wala kaming pera at di ko na rin matandaan kung paano at saan nanggagaling yung mga bote ng alak na pinag-iinom namin.

10. galit ako sa mga trapo, namely: president x, vice-president y, sen.z, sen.a, sen.b, congressman j, congressman k, gov. m, mayor t, tsaka yung kupal (oopps..sorry!) naming brgy.captain at ang mga walang silbi nyang alipures na tanod na walang ginawa kungdi mag-videoke sa munting KTV sa aming street.

11. asar ako sa sensitive na tao pero insensitive sa feelings ng iba.

12. mahaba ang aking pasensya, asarin mo ako di ako maaasar sa'yo. kapag nang-aasar na rin ako, asar na ako nun.

13. kapag wala akong kwentang kausap na parang lumilipad ang utak ko, literally, lumilipad talaga ang utak ko.

14. magaling akong magsayaw nung elementary. pero nung high school narealize ko na ako pala ay isang rakista. naks! hehe!

15. 2nd year high school ng natuto akong mag-gitara. first chords and chord pattern learned: D-A-G-A. wag nyo ng alamin yung title ng kanta.

16. nagkaroon ako ng 2 banda nung college, namely: tripnotic at calculus. pero nakikijam din ako sa ricewaterfreedom.

17. gusto kong makapunta sa japan at bumili ng kung anu-ano sa akihabara.

18. lahat kaya kong kainin, basta edible. wag lang ang atsarang papaya. at di ko pala ma-appreciate ang lasa ng sushi at maki, sorry sa mga japanese food lovers.

19. mas gusto kong alagaan ang pusa kesa sa aso. di mo na kasi necesarily paliguan ang mga pusa. nagkaroon pala ako ng pet na pusa (pusakal) na magkaiba ang kulay ng balls (black and white). kaso namatay na sya last, last year, tinaga yata nung kupal naming kapitbahay. ngayon, may alaga ulit akong pusa, magkaiba naman ang kulay ng kanyang mata. isang blue at green. sabi nung officemate ko, turkish-angora daw yung breed na yon. at base sa nasaliksik ko sa internet, mahal yun..hmmm..

20. nung bata pa ako gustong-gusto ko ang music video ng "money for nothing" ng Dire Straits. inaabangan ko palagi yun sa MTV.

21. DVD (preferably comedy movies) + beer = heaven

22. tuwang-tuwa ako sa movie na "bateries not included" nung bata pa ako.

23. madali akong ma-attract sa mga matatangkad na babae (yung tipong beauty queen ang dating), pero yung 3 naging GF ko ay puro petite at di katangkaran.

24. nung nasa PC Express ako, nagpasabog ako ng Php 5,000 worth na power supply. cool!

25. hindi pa ako nakakasakay sa eroplano at sa tren ng PNR.


Sunday, June 28, 2009

superPROXY


superproxy - eraserheads

rap outro:


Come and take a sip from the cup as the drink makes you think
Don't blink, 'cause you'll be taken out by the pen and ink
Superproxy, why don't you just talk to me
My rhyme be stickin' to ya head like epoxy

The Mouth will be blabbin', never backstabbin'
Hangin' with the E-heads and I'm just plain havin' fun
No time for gats and guns
I use my M.I.C. like a gun, I get the job done

I play video games all day
Zipadee-dooda, zipadee-day, hip-hop hooray
Menage One, Menage Trois, Menage Three
If songs were pets, then I'd have a menagerie

Chimney-chimney, Humpty Dumpty
Grab on the M.I.C., start gettin' funky
Funky with the flavor that you savor, imitator
I'm the flavor of the hour, other MC's I devour

I'll be with Buddy, Raymund, Marcus and Ely
I'm on their case like Petrocelli
Ultraelectromagnetic hiphop
And ya don't stop and ya don't quit, word-up

Lap it up like a pussy, sippin' on milk
Rock hard to my style that's smooth as silk
Yo, superproxy, why don't ya just talk to me


superproxy2K6 -
francis m. and ely b.

(francis m.)

Come & take a sip from the cup as the drink makes you think

Don't blink 'coz you'll be taken out by the pen & ink
Superproxy, why don't y'all just talk to me
My rhyme be stickin to ya head like epoxy
This is how it should be done, 'coz this rhyme is identical to none
3 Stars & a sun in one sky so high, one-nine-nine-five until we die
We on a mission to surf & ride the waves all the way to cyberspace we
gonna stay
We on a mission to surf & ride the waves all the way to cyberspace uhhh


(ely b.)


And so it was without a fuss we kill the buzz
Surrounding this delusional, irrational thing we call massive
entertainment
Time to return the favor kick out the jams with the freeman flavor
Take it from Survivor, the search is over
I've found the best forget the rest
Erase it, replace it but never duplicate it
'Coz intstitutions are boring there's no substitute for the real thing
There's no substitute for the real..


Wednesday, June 24, 2009

..a very relaxing song for me..












..high school pa lang ako nung una kong narinig ang kantang ito. ewan ko ba, basta pag naririnig ko pa lang yung intro ng song na waves e narerelax ako. nakakaramdam agad ako ng peace of mind..basta..

peace man..peace..!

Tuesday, June 23, 2009

6 patay sa away trapiko


kumakain ako kagabi ng masarap kong hapunan nang mapanood ko ito sa tv. "huwhaaat..?", agad tumaas ang kilay ko at alta presyon..hehe! nagpatayan kayo sa ganong kababaw na dahilan. hindi ko na i-elaborate ang buong detalye, besides dehins naman ako reporter. ang siste ay may dalawang kupal na driver (sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa) na nagkainitan sa isang palengke sa imus, cavite ng dahil sa trapiko. in short, di siguro sila nagbigayan. nagkaroon sila ng mainit na komprontasyon, umuwi para tumawag ng resbak at kumuha ng kargada, bumalik sa palengke at ginawa nilang war zone ang nasabing lugar. yon, bulagta ang anim na katao.


bakit kaya may mga taong tulad nila na kayang-kayang pumatay sa ganoong kababaw na dahilan lang? sapat na bang rason ang matapakan ang ego mo o pride mo para taniman mo ng tingga ang kapwa mo? mabuti na lang at wala silang naidamay sa kalokohan nila na mga inosenteng mamamayan na nasa palengke ng mga oras na iyon dahil siguradong mas iinit ang ulo ko. grrr..

kaya di mo rin masisisi si john kramer aka "jigsaw" sa saw series. oo serial-killer sya dahil sa mga karumal-dumal nyang "games"-kuno. pero karamihan ng biktima nya ay ang mga taong hindi marunong mag-appreciate ng life. masarap mabuhay, lalong-lalo na kung gagawin natin itong meaningful at makulay. magagawa lang natin yun sa pagiging makatao, responsable at kung mamahalin natin ang ating kapwa.

full story: http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2009-06-22&sec=2&aid=96412


Tuesday, June 16, 2009

listahan ng mga nakaka-inis na bagay, lugar, sitwasyon, tao at kung anu-ano pa na nakakapangyamot


inis

in´is ­ mainis (ma-) v. to be annoyed, to be disgusted, to be exasperated. Nainis siya sa akin. She got annoyed with me. uminis, mang-inis, inis´in (-um, mang-:-in) v. to vex, to annoy, to provoke, to exasperate. Huwag kang mang-inis ng kapwa. Don't annoy your fellowmen.

source: http://www.tagalog-dictionary.com/

NOTE: ang mga mababanggit ay base sa personal na karanasan, napanood sa TV, na-browse sa internet, narinig at na-ikwento ng mga kaibigan at nakita sa ating lipunan.

mga nakaka-inis:

- hang-over

- nasamid ka at lumungad sa pag-inom mo ng gin.
- parang may bukal na bote ng alak na di maubos-ubos.

- meron kang yosi, wala kang lighter.

- meron kang lighter, wala kang yosi.
- mapanirang lighter na nakakasunog ng balbas, bigote, kilay, pilik-mata, buhok.

- tumutulong sipon
- bumahin o umubo yung kaharap mo tapos tumalsik ang laway at sipon sa'yo.

- ikaw ang nasa hulihan ng napakahabang pila.

- naghintay ka sa mahabang pila, pero nung turn mo na, sarado na o nag-lunch break.

- nakipagsiksikan ka sa pagpasok sa MRT pero wala ka palang stored-value ticket.

- siksikan kayo sa loob ng MRT train tapos may uutot.
- siksikan kayo sa loob ng elevator tapos may uutot.
- siksikan kayo sa loob ng air-con na sasakyan tapos may uutot.

- suot mo ang astig mong jacket pero tirik ang araw.
- suot mo ang bago mong sapatos tapos makakatapak ka ng tae ng aso.


- langgam sa asukal, sa ulam, sa kanin
- tae ng ipis sa lalagayan ng paminta
- ipot ng ibon na babagsak sa'yo habang nagsi-siesta sa ilalim ng puno.
- tae ng butiki <-- tang-ina, ang baho nito!

- nag-a-upload ka ng pagkarami-raming files tapos mapuputol ang internet connection.

- nawawalang html end tag
- nakapag-type ka na ng pagkahaba-habang code tapos magba-brownout. tip: press CTRL-S every 10 minutes.

- kay tagal mong naghintay tapos wala rin palang mangyayari.

- traffic
- bobong traffic enforcer
- buraot na
traffic enforcer
- mga nagkabanggaang sasakyan ng di magkasundong drivers na nagdudulot ng mabigat na trapik.
- rumaragasang kotse na akala mo laging nakikipagkarerahan.
- tricycle na walang trapal kapag umuulan.

- kupal mong ka-opisina

- kupal mong boss at mga feeling-bosing
- kupal na guard.
- kupal na pasahero ng jeep na kung maka-upo at makabukaka ay parang nabili na nya ang buong jeep.
- kupal na kundoktor ng bus na di nagbibigay ng sukli.

- TRAPO - traditional politician
- mga buwayang pulis
- buraot na mga tawag boys sa mga terminal

- sensitive pero insensitive na tao.

- dumumi ka sa public toilet pero wala kang tissue o kung ano man na pwedeng pang...

- madaling mabutas na condom


PAHABOL:
bukas po ang inyong lingkod sa anumang puna, komento, bayolenteng reaksyon, pagtatama at kung ano man.
maraming salamat po.


Wednesday, June 3, 2009

proof ng kababawan at pagiging isip-bata



sakura: Thanks for gifts. I appreciate them but please send no more. I'm sorry but I really have no feelings for you. Please understand that I just wanna be single for now and is not accepting any courtship. Let's just be friends, okay?

ryu: at sino naman nagsabi sa'yo na liligawan kita..kapal ha..wag ganon..
kaya lang kita binigyan ng regalo kasi bday mo at nahiya ako sa'yo na akala mo talaga binigyan kita ng gift yun pala sinoli ko lang yung heroes dvd mo. grabe, iba talaga kayo mag-isip. hindi lahat naaakit mo dude. wag ganon..

sakura: ah ganun ba? eh di ayos. salamat sa gift

ryu: wag mag-feeling..
wag mag-assume..
hindi nakakatuwa...

sakura: eh bakit ka ba ganyan makasagot? may problema ka ba ha?

ryu: haha! wala akong problema, pero sa tingin ko ikaw ang meron. Kasi nagpi-feeling ka na may gusto ako sa’yo. Napaka-insensitive para mag-assume ka na patay na patay sa’yo yung guy at padalahan mo ng “busted”-kuno na message. Sorry, pero isa lang ang gusto ko eversince, at di ikaw yun. Kaya kung nagpapapansin ka lang, wag mo ko idamay sa kalokohan mo. Sa edad mong yan, pinatunayan mo lang kung gaano kakitid yang utak mo at kung gaano ka kaisip bata. Tama na ang usapan na’to, nakakairita lang e.

sakura: bastos mo naman magsalita. fine, sayo na mga regalo mo. pasensya na kung nagambala kita...


...


kinabukasan, di na talaga nag-usap si sakura at ryu. ilang araw din silang di nagpansinan. ngunit ng dahil sa isang bote ng alak, nagkatagpo uli ang kanilang landas. iisa lang talaga ang takbo ng bituka ng dalawang mokong na 'to, hehe! kaya't sa bandang huli napagtanto nila ang kanilang kababawan at tinawanan na lang ang mga nangyari.


Wednesday, May 27, 2009

CSL Packers 101

(photo by Erick Dantoc)

Upcoming Event

- this coming june 11-13 (we have a long weekend because we will be celebrating our Independence Day), we will be having a "pahabol"-summer get away at san antonio, zambales. again! yes, i will be at anawangin cove this coming saturday for our company outing and on nagsasa cove after a week. what a busy schedule, hehe! erick dantoc (my fellow packers) have been there a few weeks ago, he encouraged us to see nagsasa cove's beauty. it has a longer shoreline (twice of those of anawangin), a lake and a falls, a few kilometer away from the cove. i am really excited to see this place and i am hoping that we will be bless of a good weather condition. so if you are into beach camping and exploring hidden paradise, nagsasa cove is a must see place.


Tuesday, May 26, 2009


don't you ever wonder

where all your happy thoughts have gone?
in case you don't remember,
we were Peter Pans for a day
you say it's all in a day's work,
but days will turn into weeks
and on an on, we go 'til we just forget, oh we forget

there goes your world on a train
catch it cause it's making its last trip
time don't take it away
don't take it away
don't take it all away


when we move to the left, then we move to the right
forward and then backward 'til the moment's gone we all fade
spin around we don't make a sound time keeps moving on
until your moment's gone, we all fade away

we can't be young forever, but that's what old men say
just try and remember we were John and Wendy yesterday

there goes your world on a train
catch it 'cause it's making its last trip
time don't tale it away
don't take it away
don't take it all away


"fade away" - sugarfree



Thursday, May 21, 2009

CSL Packers 101


Latest News

- last may 16-17, we climbed Manabu Peak (one of the three highest peak of malipunyo mountain range) on Sto.Tomas, Batangas. the climb was great, we (brian, jhei, kit, daweng and ace) had a great time on the whole climb. except that we only had a few mililiters of alcohol on our side which only tickles our "bahay-alak", haha! sorry guys, bitin! the 360 degrees view on Manabu was great, you can see Mt.Maculot as if it was guarding the whole town, Mt.Makiling on your north and Mt.Banahaw on your east. on our descent, we also passed by Mang Pirying's hut (on station 5 I think) and he offer us some cups of coffee. astig! coffee break along the trail. pampagising! (we use a different trail on our descent). to sum it up, the whole climb was fun. so my fellow "packers", what's next after anawangin cove? mt.maculot, mt.gulugod-baboy or mt.daguldol? hehe!

Thursday, May 14, 2009

No Royalty Album Filler No. 9 - Punk Zappa


"No Royalty Album Filler No. 9"

Circus (monologue album filler)

Oi!
I'm Punk Zappa!
And my hobbies are lis'ning to da radio,
reading da songhits and eating da
bloody fishballs!

A-ha! Bibili ako ng tapes ng Nirvana, Pearl Jam, Sepultura, Alice In Chains, Soundgarden, Rage Against The Machine, Panteyra,
Tsaka yung da Red Hot Chili Peppers Band!
Tsaka lahat ng klase ng grunge,
Tsaka lahat ng death metal, OK?
Tapos, i-mememorize ko yung lyricks, kahit chorus lang, OK?
Tapos, magpapakalbo?
Magpapa-mohawk?
Magpa-longhair kaya ako?
Tapos, magpapa-tattoo ako,
Dapat yung nakakatakot!
Ah, dragon, pare!
Tapos, yung dragon,
Nakatusok sa stick
Tapos, yung stick, nakatusok sa ulo ni
Charles Manson, Jr.!
Cool yun, di ba?!
Tapos, dapat meron akong boots
O kaya lumang Konbers para sa slam dancing!
Tapos, oi! Bibili ako ng Nirvana T-shirt,
hindi yung yellow, huh!?
Yung re-e-ed!
Tapos, magpapahikaw ako;
Tapos, di puwede na akong makitribu
sa mga kamukha ko!
Oi! Tapos, di puwede na kaming
tumambay sa Klab Dredd!
Sa labas lang, ha!

Tapos, pag Linggo, pupunta kaming
lahat sa Megamol;
Tapos, aabangan namin
yang mga hifhaf na yan!
Tapos, pag-uumpugin ko yang mga kininginging breakdancer at mga "yo!" na yan!
Tapos, bubugbugin namin sila!
Tapos, kukunin namin yung mga Diems nila!!

OK ba yun?! Oi!
Amen!!?? Gusto nyo???
Amen!!!!!!
T'yak yun!!!!!!!!!!!!!
Amen!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Tuesday, May 12, 2009

high school reunion




after 10 years..




IV-Sampaguita, San Mateo National High School
May 1, 2009. AJ Resort, Manggahan, Rodriguez, Rizal

click here for more photos